Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo bukas, January 24. Gasoline ₱3.00-3.40/L ⬆️ Diesel ₱2.20-2.60/L ⬆️ Kerosene ₱2.30-2.70/L ⬆️
View4.7 na magnitude na lindol ang yumanig sa Tarragona, Davao Oriental kaninang 6:49 a.m. ayon sa Phivolcs.
ViewDepartment of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kasama si WTO Director General Mme Ngozi sa isang ministeral meeting sa Trade Ministers' Coalition on Climate sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland. Layon ng naturang coalition na bumuo ng ugnayan sa pagitan ng kalakalan at climate communities, upang matukoy ang mga patakaran sa kalakalan na maaaring makatulong sa pagtugon sa krisis sa klima. 📷: DTI
ViewMaiuuwi ng isang swerteng mananaya ng lotto ang tumataginting na P29,700,000.00 jackpot prize sa Grand 6/55 matapos ang 9:00 p.m. draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Sabado, January 22. Nagmula ang lucky winner sa Ibaan, Batangas.
ViewSa kanyang arrival speech matapos ang matagumpay na paglahok sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nangunguna ang Pilipinas sa 'economic recovery and performance' hindi lamang sa Asia-Pacific, kundi maging sa buong mundo. “That the Philippines is not only driving economic growth; we are also helping mend the fissures that have fragmented the world of late and doing our part to avert an economic crisis,” saad ng Pangulo. Binanggit din ng Pangulo na sa tulong ng delegasyon ng Pilipinas, naibahagi sa WEF ang pananaw at karanasan ng bansa sa pagiging isang matatag na nasyon, na anila ay nagkakaisa sa pagharap sa anumang hamon. Samantala, pinasalamatan ng punong ehekutibo ang kanyang economic team kabilang sina Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan para sa kanilang pagganap sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa.
View