‘Pag nagka-apocalypse, hindi lang zombies, aliens, o Undin sa kubeta ang makakasalamuha mo—pati ‘yung ibang survivors around you. May mga taong lalapit para tumulong, meron ding handang makipag-puksaan for that last can of Ma Ling sa suking tindahan. (Peyborit kong de lata, Sp*m can choke honestly…)
Uy, Ma Ling, baka naman… #xdeal #collab. A still from Waltermart
Iba-iba ang approach ng bawat tao sa para mag-survive, kaya expect mo nang ma-meet ang iba’t ibang personalities. Here’s a quick rundown ng 7 types of people na makakasalamuha mo sa end of the world—at baka isa ka rin sa kanila.
Walang tubig, walang pagkain, e, ‘di sana magsayawan na lang tayo! A still from Temptation Island (1980) dir. Joey Gosiengfiao / critic.de
1. The Survivalist
Ito yung laging may dalang backpack full of tools at weapons. Kahit ‘yung ultimong inhaler from Thailand. Prepared siya lagi—parang si Katniss Everdeen from The Hunger Games. Alam nila ang tricks sa paghahanap ng food at pagtayo ng shelter. Sanay sa hirap, and probably trusts no one.
2. The Healer
Siya yung medyo calm amidst the chaos, laging may dalang first-aid kit at ready tumulong kahit sobrang risky. Para siyang si Primrose Everdeen (dami kong reference sa Hunger Games sorry naman, ito kasi talaga ang pinakagusto kong YA dystopian story, stan lang) o si Claire sa Outlander (minus the time travel). Ang goal niya is to save as many people as possible, kahit na minsan ubos na rin yung resources niya.
Explosive sisterly love! Ay… Too soon? A gif from The Hunger Games: Mockingjay Part 1 (2014) dir. Francis Lawrence / gifdb.com
Ito yung kahit na nagkapandemya, gagawa pa rin ng marketing strategy para lang kumita. Medyo selfish, pero resourceful, selfish nonetheless, pweh! Parang si Negan sa The Walking Dead o yung masakit sa bangs na si Yon-suk sa Train to Busan. They’re out for themselves, but minsan nakakatulong din naman—when it benefits them.
4. The Cynic
“Lahat tayo deds na bukas.” Eto yung mantra ng Cynic. They’re usually dark-humored and cynical pero weirdly nakakahanap ng way to survive. Parang si Dr. Robert ng I Am Legend or si Saul Goodman sa post-apocalyptic version of himself (kung meron man) from Better Call Saul. They’re not exactly helpful, pero hindi rin sila madaling mamatay.
Every little thing’s gonna be alright. ☹ RIP Sam. ‘Yung aso sa movie ha, hindi ‘yung partner ko sa show, well mukha rin naman siyang a-[GUNSHOT]. A gif from I Am Legend (2007) dir. Francis Lawrence / sequelsprequels.com
5. The Leader
This is the person who takes charge, whether by choice or because everyone else is too scared to. Usually smart and strategic, gaya ni Furiosa from Mad Max: Fury Road (by the way, napanood niyo na ba yung prequel, pakagaling ni Anya-Taylor Joy as per usual). Parang may natural charisma, but minsan yung decisions nila hindi laging tama or mapapa-trust issues ka talaga.
Queened. Mothered. C*nted. (Hanap ako ng ibang word sa C-word baka pagalitan ako ni Ms. L*l*.) A gif from Furiosa (2024) dir. George Miller / tumblr.com
6. The Scientist
Heto yung super focused sa paghanap ng cure, solusyon, o kahit ano pang purpose behind the apocalypse. They’re kinda obsessed, minsan bordering on weird, pero para sa kanila it’s the mission of their lives. Parang si Dr. Ellie Sattler sa Jurassic Park o Dr. Ishirō Serizawa sa Godzilla movies. Sila yung mga tipong nakaka-hope ng konti, kahit na minsan alanganin na yung mga ideas.
7. The Believer
Siya yung may pinapaniwalaan, at iniisip niya na we are destined to have this apocalypse or a test from the universe. Minsan cryptic, minsan comforting. Parang si Moira sa Handmaid’s Tale who see themselves as “the chosen one.” They’re deep, and sometimes they inspire the group to keep going… kahit minsan out-of-touch na rin.
Maling Moira ata. A gif from Schitt’s Creek (2015-2020) / tumblr.com
Me and my bestie about to go to Apotheka. A still from The Handmaid’s Tale (2017-) / The New Yorker
At the end of the day—or the world in this case—pwedeng isa ka sa kanila. Ang tanong, sino ka kaya?
Kung nagustuhan niyo ang article na ito, be sure to watch (or listen to) our show Overthoughts with Sam and Joe, weeknights at 9 p.m., dito lang sa DWAN 1206 AM!
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13