Bilang mga Pilipino, ‘di na rin tayo nalalayo sa mga tradisyon na nagmula sa ibang dako. Bilang isang bansang pinaghalo-halo ng iba’t ibang etnisidad at nasyonalidad, marami tayong hiram na mga salita, customs, at pati pagkain. Gayundin pabalik sa mga banyagang pumunta dito. Alam niyo ba na galing sa atin ang squid ink pasta ng mga Espanyol? O kaya naman ang impluwensya natin sa healthcare system ng Amerika?
Pero, siyempre, dahil nga Chinese new year na naman, pag-uusapan muna natin ang espesyal na kultura na may malaking impact sa atin. Mapapagkain, mapalugar, o mapatradisyon, ‘di mo aakalain na galing pala sa kulturang Tsino.
- Pancit – Pampahaba daw ng life, ‘di mo mawawala ang pagkaing ito sa mga handaan lalo na sa birthdays.
(pinta ni José Honorato Lozano, c. 1847)
2. Binondo – Pinupuntahan nating lugar para makakain ng authentic Chinese cuisine, ito ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo
(Ayan na! Paparating na silang mga estetik, nahiya naman kami sa aming ootedi / via Nipino.com)
3. Feng Shui – Kung nag-a-arrange ka ng kwarto mo para “good vibes” at pampaswerte, Chinese influence ’yan
(Tama na kasi kakaselfie sa bagwa, tsk. / via FB/Cinema Centenario)
6. Hopia – Pastry na may munggo o ube filling. Simpleng pangmerienda.
7. Filipino honorifics o mga salitang paggalang – galing sa mga hokkien/fookien settlers dito sa ‘Pinas ‘yung mga tinatawag natin sa mga kapatid natin na mas matanda sa atin (kuya, ate, diko, ditse, sangko, at sanse).
(Nanay, tatay, gusto ko tinapay! Ate, kuya, gusto ko xiao long bao! / via 123rf.com)
At the end of the day, susi ang pagkilala sa ating kultura at ang impluwensya ng iba sa atin sa pag-tuklas ng mga nangyari noon at paano natin huhubugin ang ngayon. Happy year of the wooden snake!
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13