IBCTV13
www.ibctv13.com

ARCANE SEASON 2: NEW SECRETS, NEW BATTLES

By: John Miles Bautista

Matapos ang tatlong taon ng matagal na paghihintay, muli na namang magbabalik ang Arcane sa inyong screen ngayong Nobyembre. Ang kauna-unahang season ng Arcane, na inilabas noong 2021, ay naging isang cultural phenomenon, hindi lamang sa mga tagahanga ng League of Legends, kung ‘di maging sa mas malawak pa na audience sa buong mundo. Ang animated series, na binuo mula sa matagumpay na laro ng Riot Games na ni-release noong 2009, ay kinilala sa hindi matatawarang visual artistry at malalim na kwento.

Sa ginanap na Netflix Geeked Week noong Setyembre 16, 2024, inanunsyo ang opisyal na petsa ng pagpapalabas ng Arcane Season 2. Markahan ang inyong mga kalendaryo, dahil ipapalabas ang unang bahagi ng ikalawang season sa Nobyembre 9, 2024 sa Netflix. Ang muling pagbabalik ng serye ay nagdala ng mataas na antisipasyon, lalo’t maraming tagasubaybay ang sabik sa mga bagong kwento at mas pinaigting na aksyon.

Bagaman walang eksaktong bilang ng mga episode ang naibahagi, tiyak na ang bawat bahagi ng Arcane Season 2 ay maghahatid ng mas malalim na naratibo, mas mapangahas na aksyon, at higit na matindi ang emosyon.
Ang Arcane ay patuloy na itinuturing na isa sa pinakamahusay na animated series ng dekada, at walang duda, ang ikalawang season ay muling susungkit sa mga puso ng mga manonood—bagong tagahanga man o matagal nang sumusubaybay sa alamat ng League of Legends.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13