IBCTV13
www.ibctv13.com

BAKIT PAPA, BINAWI MO PA?!: THE REVIVAL OF CLASSIC OPM

By: Alyianna Rei Dantis
Muling bumabalik ang mga classic OPM’s, Isa sa mga patunay nito ay ang pag-revive ng kantang “Bakit Papa?” na orihinal na pinasikat ng Sexbomb Girls noong 2002 at muling binuhay ng P-pop group na YARA noong 2023.
Ang “Bakit Papa?” ay naging cultural phenomenon noong unang lumabas ito sa noong early 2002. Kinanta ito ng iconic na Sexbomb Girls, at naging paborito ito dahil sa catchy na chorus at masiglang beat. Agad itong naging bahagi ng mga party at dance battles.
At nitong 2023, muling nagbalik ang kantang “Bakit Papa?” dahil sa YARA. Ang bagong version na ito ay pinagsama ang nostalgia at modern musical elements na umaakit sa parehong matatanda at bagong henerasyon na ngayon pa lang ito naririnig.
Napanatili ng P-pop group ang original na charm ng kanta habang inilagay ang kanilang sariling estilo, na ipinapakita ang kanilang vocal prowess at contemporary choreography.
Ang pagbabalik ng mga kantang tulad ng “Bakit Papa?” ay nagpapakita ng hindi matatawarang appeal ng Filipino music at ang kakayahan nitong lampasan ang panahon. Nagsisilbing paalala ito ng makulay na kulturang bumubuo sa Pilipinas, kung saan ang musika ay mahalagang bahagi ng pagpapahayag ng identidad at damdamin.
Sa pag-honor ng mga bagong artists sa mga nakaraang hits, hindi lang nila pinaparangalan ang original na creators kundi nag-aambag din sa pag-evolve ng kwento ng OPM.
Ang tagumpay ng “Bakit Papa?” ng YARA ay nagpapahiwatig ng lumalaking trend sa Filipino music industry, kung saan mas marami pang artists ang tumitingin sa nakaraan para gawing inspiration.
Mabuhay ang Original Pilipino Music!

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13