Sino ba naman ang hindi makakakilala sa nag-iisang “Da King”?
Nakilala si Fernando Poe Jr. sa kanyang pagiging aktor, direktor, at maging sa kanyang pagpasok sa politika, kung saan kitang-kita ang suporta ng mga Pilipino. Bilang paggunita sa kapanganakan ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa Pelikula, nagpalabas ang DWAN 1206 AM ng isang dokumentaryong nagsasalaysay sa kanyang legasiya bilang isang indibidwal at bilang hari ng pelikulang Pilipino, na pinamagatang “Dokumentaryo ng Hari: The Legacy of FPJ.”
Narito ang ilang komento mula sa livestream ng Dokumentaryo ng Hari noong nakaraang August 20, 2024:
“Nakakaiyak po, totoo man po, kapag nakita mo at napanood po ninyo itong mga artista na natulungan ni Da King FPJ… at kahit na sino pa… at kung ano po ang mga tunay na sinasabi nila sa nag-iisang Da King FPJ… yan po ang nag-iisang Idol ng sambayanan, Da King FPJ.”
— @rodelcabrera3712
— @rodelcabrera3712
“Ibang klase yung mga movies niya, maganda ang pagkakagawa—simple pero pwede maganap sa tunay na buhay. Ang mga actions niya hindi mo iisipin na OA na gaya ng ibang actors, dahil may karisma siya, may pangalan siyang FPJ. Naging tatak din niya na may kasamang bata sa movies, mula pa kay Jay Ilagan. Halos lahat ng movies niya ay sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino at sa kagandahan ng Pilipinas. Ginawa yan ni Rizal sa Noli at Fili—yung ugali ng tao inilagay niya sa bawat character at yun ang nagustuhan ko sa kanya. Mayroon tayong ibang mga actors na magaling sa actions at acting, pero lumalabas pa rin na acting lang talaga yun, unlike kay FPJ na madadala ka sa acting niya.”
— @arnie-fs9jg
— @arnie-fs9jg
Tunay ngang maraming iniwang magandang alaala si Da King FPJ. Sa ngayon, ang dokumentaryong ito ay umani na ng 43,054 views.
Panoorin ang “Dokumentaryo ng Hari: The Legacy of FPJ” sa link na ito: https://youtu.be/5cSb4U5lano?si=EdM1-ozfp4nd78sl
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13