IBCTV13
www.ibctv13.com

DAM, ANONG PAKIRAMDAM?!

By: Alyianna Rei Dantis

Matapos ang sunod-sunod na solo projects ng bawat miyembro, muling pinatunayan ng SB19 ang kanilang kakayahang magbigay ng powerful and emotional music sa kanilang latest release—”DAM.”

Kung una itong papakinggan, ramdam agad ang bigat ng damdamin sa kanta. Ang “DAM” ay isang introspective na awitin na sumasalamin sa mga hinanakit, frustrations, at emotional struggles na kinakaharap ng isang tao. Sa bawat linya ng lyrics, tila iniimbitahan tayong sumisid sa malalim na bahagi ng ating emosyon at tanggapin ang mga sakit na matagal nating kinikimkim.

Bukod sa lalim ng mensahe, makikita rin dito ang musical growth ng SB19. Ang kanilang vocal delivery ay puno ng raw intensity, habang ang instrumental ay may cinematic feel—parang soundtrack ng isang eksena kung saan inilalabas mo ang lahat ng naipong emosyon.
Kilala ang grupo sa pagbibigay ng visually striking and symbolic MVs, kaya naman hindi lang basta ordinaryo ang inilabas nilang Music          Video na sa kasalukuyan ay mayroon nang 9.1 million views.
Hindi lang simpleng kanta ang “DAM”—isa itong patunay kung paano patuloy na naglilevel up ang SB19 pagdating sa music at artistry. Sa bawat release, mas lumalalim ang kanilang storytelling, at mas lumalawak ang kanilang impact, hindi lang sa P-pop scene kundi sa global music industry.
Kung hindi mo pa napapakinggan ang “DAM,” bakit hindi pa?!

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13