IBCTV13
www.ibctv13.com

GENTLE PARENTING, USO BA ‘YON?

By: Alyianna Rei Dantis
Napalo ka na ba ng alpombra, sinturon, hanger, at iba pa kasi hindi ka marunong matulog sa tanghali?
Sa panahon ngayon, ibahin mo na. Mayroon nang tinatawag na “Gentle Parenting” kung saan iba na ang pamamaraan ng mga magulang sa pagdidisiplina ng kanilang anak. Ayon kay Bowlby et al., ang gentle parenting ay pagkilala sa mga damdamin ng mga bata, maging sa mga negatibong bagay pa. Nakakatulong ito sa kanila upang maramdaman nilang nauunawaan sila at sinusuportahan.
Isa sa mga kilalang personalidad na nag-iincorporate ng gentle parenting sa kanilang mga anak ay si Kryz Uy, isang social media influencer na may tatlong anak. Nakilala siya sa kanyang pagva-vlog ng kanilang araw-araw na buhay kasama ang kanyang tatlong anak at asawang si Slater Young.
“I really admire her parenting. I’m learning a lot.” – via TikTok @_undertherain
Isa sa mga pamamaraan ni Kryz sa pagdisiplina sa kanyang mga anak ay ang mahinahong pagpapaliwanag sa kanila ng kanilang mali at kung paano ito itatama. Kaya naman natututo ang kanilang mga anak kung paano ihahandle ang mga bagay-bagay.
“To be honest, I’m just learning as I go along. I speak to the kids the way I want to be spoken to myself. I always try to treat them with respect and come into each conversation knowing it’s my job that they learn and understand the world around them. Knowing that the conversations always end up being a story or explanation. They respond to it best and they also absorb values well this way.” – Via Kryz Uy, CDN Life!
Maraming iba’t ibang paraan ang mga magulang sa kung paano nila didisiplinahin ang kanilang mga anak. Ngunit imbes na unahin natin silang pagalitan dahil sa mga maliliit na bagay, subukan muna nating alamin, mga ka-DWAN, kung bakit nila ginagawa ito. Marahil ay kinikiliti lang sila ng kanilang kuryosidad kaya naman kinakailangan nila ng sapat na gabay.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13