IBCTV13
www.ibctv13.com

INTERMITTENT FASTING, PARA SA LAHAT BA ITO?

By: Alyianna Rei Dantis
Kaliwa’t kanan na ang mga paraan kung paano pumayat ang isang taong nag-aasam ng maganda at malusog na katawan. Maraming nagnanais ng mabilis na resulta kaya’t sinusubukan nila ang intermittent fasting, kung saan nag-tutubig lang sila ng 20 oras at kumakain lamang sa loob ng 4 na oras base sa gusto nilang calorie intake.
Nakakahina ito ng katawan, lalo na sa mga taong nasanay kumain ng tatlo o apat na beses sa isang araw. Hindi para sa lahat ang intermittent fasting, kaya’t may ibang sumusuko at mas pinipiling bumalik na lamang sa dati nilang routine.
Ano nga ba ang intermittent fasting?
Ang intermittent fasting ay isang paraan ng pagkain sa isang espesipikong panahon kada araw. Tumatagal ang pagitan ng ilang oras hanggang 24 oras o higit pa. Ang diet na ito ay isa sa mga kilalang fitness trend sa kasalukuyan. SOURCE
Ayon sa isang pag-aaral, may epekto ang intermittent fasting lalo na kung hindi ito angkop sa katawan ng isang tao. Maaari itong magdulot ng sakit sa puso, pagkasira ng balat, at iba pang karamdaman. SOURCE
Ngunit sa kabila ng mga negatibong epekto nito sa mga hindi angkop para sa intermittent fasting, mayroon din naman itong positibong epekto. Kabilang dito ang pagpapabuti ng kalusugan ng utak sa pamamagitan ng pagbaba ng oxidative stress at pagtaas ng resistance ng mga brain cells sa stress. SOURCE
Ang intermittent fasting ay maaaring maging epektibo para sa ilang tao ngunit hindi para sa lahat. Mahalaga na isaalang-alang ang iyong sariling kalusugan at lifestyle bago subukan ang anumang diet plan. Palaging makabubuting kumonsulta sa isang eksperto sa kalusugan upang matiyak na ang napiling paraan ng pagpapapayat ay ligtas at akma para sa iyo.
Tandaan, ang pagkamit ng maganda at malusog na pangangatawan ay hindi lamang tungkol sa bilis ng resulta, kundi sa pagiging sustainable at healthy nito sa katagalan.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13