Bakit kung kailang kasal na, doon pa naghihiwalay?
Ang tanong na ito ay hindi na bago pero tila mas lumalalim ang interes dito, lalo na sa TikTok. Viral ang mga videos na nagdadalamhati sa mabilisang pagwawakas ng mga relasyon—kasal man o matagal nang magkasintahan. Ang mga komentaryo at kwento ng mga netizens ay puno ng “bakit ganito?”, “anong nangyari?” at “saan kami nagkulang?”.
Hindi pa ako kasal (pero sana bukas🫨) kaya naman kumalap ako ng mga dahilan mula sa sampung tsismosang kapitbahay na may experience na sa mga ganitong bagay kung bakit kahit kasal na, nauuwi pa rin sa hiwalayan ang isang relasyon.
1. Kulang sa Paghahanda at Pagkilala
Maraming kinakasal ang umaasa na ang pagmamahal lamang ay sapat na para sa isang matibay na pagsasama. Ngunit sa realidad, mahalaga rin ang tamang preparasyon. Ang marriage counseling o malalim na pag-uusap tungkol sa goals, finances, at expectations ay madalas na nalalampasan (sad bad true ☹). Dahil dito, nagkakaroon ng miscommunication at conflict kapag biglang lumabas ang mga bagay na hindi nila napag-usapan bago ikasal.
2. Financial Stress
Isa sa mga pangunahing dahilan ng hiwalayan ay ang problema sa pera. Ang “honeymoon phase” ay mabilis nawawala kapag sabay na nilang hinaharap ang bills, utang, o kawalan ng sapat na kita (sabi nga money is the root of all evil🤔). Kung hindi ito napagkasunduan o napag-usapan nang maayos bago ang kasal, nagiging sanhi ito ng malaking miscommunication o away sa mag-asawa.
3. Infidelity o Third Party
Isa sa mga laging binabanggit sa viral TikTok videos ay ang “third party” o pagkakaroon ng ibang relasyon. Maraming nagtatanong, “Kung mahal mo, bakit ka pa maghahanap ng iba?” Ngunit minsan, ang infidelity ay dulot ng kawalan ng emotional connection o unmet needs maging ang spiritual connection na hindi agad nalutas sa relasyon.
4. Nawawala ang Spark
Sa tagal ng pagsasama, normal na magkaroon ng pagbabago sa dynamics ng relasyon. Kapag hindi naalagaan ang intimacy at pagiging magkaibigan sa mag-asawa, nawawala ang spark at unti-unting nagiging parang nagsasama na lang sa isang bubong (dormmates yarn?!).
5. Social Media
Marami na rin ang nagiging dahilan ng hiwalayan na may kinalaman sa social media. Sa TikTok, makikita ang mga kwento ng selos dahil sa likes, comments, o pag-follow sa ibang tao.
6. Hindi Maresolbang Problema
Ang mag-asawa ay hindi exempted sa away. Ngunit ang mahalaga ay kung paano nila hinaharap ang kanilang problema. Sa viral TikTok na may hashtags tulad ng #MarriageProblems, maraming nagsasabi na ang kawalan ng tamang pag-uusap ay nagiging dahilan ng iringan hanggang sa mauwi na lang sa hiwalayan.
“GENERATIONAL SHIFT” ay isa din sa mga dahilan. Ang mga tao ngayon ay mas assertive na sa kanilang self-worth. Karamihan na rin ng mga kabataan ngayon na wakasan ang relasyon kaysa magtiis sa toxic na pagsasama (ew naman ang mga red flag 🤮).
Ang kasal ay hindi assurance ng happily ever after. Ito ay isang commitment na nangangailangan ng maraming pasensya, pagmamahal, at respeto sa isa’t isa. Sa henerasyon ngayon, importanteng mapag-usapan muna kung ano ang mga plano at kung parehas kayo nang gustong mangyari sa buhay. At ang pinaka-importante sa lahat ay marunong mag-adjust sa ugali ng isa’t isa para sa growth ng relationship.
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13