Sabi nga sa isang kasabihan, ang kwarto natin ay representasyon ng kasalukuyang sitwasyon ng utak natin. Kung magulo ito, isa lang ang ibig sabihin: magulo rin ang utak mo!
Marami nang nauusong paraan ngayon kung paano mo mas pagagandahin ang iyong kwarto para mas maging komportable itong tulugan. Karamihan nga sa mga tao ngayon ay nababaliw sa disenyo ng minimalism. Bukod sa hindi ito ganoon kagastos, maaari ka pang mag-DIY dahil hindi naman nire-require ng design na ito na gumastos nang bongga.
Ano nga ba ang ‘minimalist design’?
“Belonging or relating to a style in art, design, and theater that uses the smallest range of materials and colors possible, and only very simple shapes or forms.” SOURCE
Madalas mapapanood sa TikTok ang mga Modern Nanay’s at GenZ na nahuhumaling sa Team Puti at Team Kahoy, na isa ring depinisyon ng pagiging minimalist dahil sa linis at aliwalas nitong tingnan sa mata.
Pero hindi natin kakalimutan ang mga OA. Huy, hindi ganoon! Kung mayroong straightforward sa pagde-design ng kanilang mga kwarto at ang gusto lang ay minimal, mayroon ring mga taong napuno na lang ang kwarto ng design, curves, at iba’t ibang kulay. Flying colors, yarn?!
Eh ano naman ang ‘maximalist design’?
“It means more is more.” SOURCE
Sa huli, kahit anong disenyo pa ang piliin mo—minimalist man o maximalist—ang mahalaga ay komportable ka at nasasalamin nito ang iyong personalidad. Ang kwarto mo ay isang espasyo kung saan dapat kang maging masaya at relaxed, kaya’t pumili ka ng disenyo na magbibigay sa iyo ng ganitong pakiramdam.
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13