IBCTV13
www.ibctv13.com

NAGWAGI MULI ANG DWAN 1206 AM

By: Alyianna Rei D.J Dantis
Muling nagtagumpay ang DWAN 1206 AM sa 2nd Philippines Distinct Men and Women Excellence 2024, isang prestihiyosong parangal na kumikilala sa mga natatanging Pilipino sa kani-kanilang larangan.

Pinarangalan ang DWAN 1206 AM bilang “Distinct Outstanding AM Station of the Year.” Gayundin, kinilala ang mga hosts nito, kung saan si Marc Logan ay itinanghal na “Distinct Station Manager of the Year,” si Fernando “Ms. F” De Guzman bilang “Distinct Entertainment Teleradio Program Host,” at si Joey Austria bilang “Distinct Teleradyo Program Host.”

Ang mga parangal na ito ay patunay ng dedikasyon at husay ng buong DWAN 1206 AM team at President and CEO Jose “Jimmy” Policarpio Jr., sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong publiko at makabuluhang programa sa kanilang mga tagapakinig.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13