IBCTV13
www.ibctv13.com

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pinangunahan ang paglulunsad ng 2025 SSS Pension Reform Program

By: Carmellie Ocampo

QUEZON CITY — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang seremonyal na paglulunsad ng 2025 Social Security System (SSS) Pension Reform Program kasabay ng deklarasyon ng National Pensioners’ Week, na itatampok tuwing ikalawang linggo ng Setyembre.

Photo Courtesy: Presidential Communications Office

Ginawa ang programa sa SSS Main Office sa East Avenue, Quezon City, kasabay ng pagdiriwang ng ika-68 anibersaryo ng SSS. Dumalo rin sa aktibidad ang mga opisyal at kawani ng SSS, miyembro ng Social Security Commission, at humigit-kumulang 50 pensioners na kumakatawan sa 3.8 milyong benepisyaryo sa buong bansa.

Photo Courtesy: Presidential Communications Office

Ayon sa SSS, ang Pension Reform Program ang kauna-unahang multi-year na umento sa pensyon sa kasaysayan ng institusyon. Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng taunang dagdag ang lahat ng pensioners tuwing Setyembre mula 2025 hanggang 2027.

Nilalayon ng reporma na mapabuti ang benepisyo ng mga retirado, survivors, at dependents, habang unti-unting ipatutupad ang dagdag pensyon sa loob ng tatlong taon.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13