Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13

Photo Courtesy: Presidential Communications Office
“Ngayon, mayroon na kayong malalapitan.” – PBBM
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa opisyal na paglulunsad ng sumbongsapangulo.ph, isang online platform kung saan direkta nang maipaparating ng publiko sa Pangulo ang kanilang mga reklamo, sumbong, at suhestiyon kaugnay sa mga proyekto ng pamahalaan laban sa pagbaha.

Photo Courtesy: Presidential Communications Office
Kasabay nito, ibinahagi ni PBBM ang mga resulta ng paunang imbestigasyon sa mga flood control projects na isinagawa mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025. Ayon sa Pangulo, ito ay tugon sa kanyang direktiba sa State of the Nation Address (SONA) 2025, na naglalayong matiyak ang maayos na implementasyon ng mga proyekto at maiwasan ang pag-uulit ng matinding pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.

Photo Courtesy: Presidential Communications Office
Layunin ng bagong website na palakasin ang transparency at accountability sa mga ahensya ng pamahalaan, partikular sa pagpapatupad ng mga proyektong kontra-baha, at masiguro na maririnig ang boses ng bawat mamamayan.