IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, Nagpatupad ng 60-Araw na Suspensiyon sa Rice Importation Simula Setyembre 1

By: Carmellie Ocampo

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pansamantalang suspensyon ng rice importation sa loob ng 60 araw, na magsisimula sa Setyembre 1, 2025. Layunin nitong bigyang proteksyon ang mga lokal na magsasaka sa gitna ng pagbaba ng presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave M. Gomez,

“To protect local farmers reeling from low palay prices during this current harvest season, President Ferdinand Marcos Jr. today announced the suspension of all rice importation for 60 days beginning Sept. 1, 2025.”

Ipinatupad ang desisyon matapos ang konsultasyon ng Pangulo sa mga miyembro ng kanyang gabinete habang nasa India para sa isang limang-araw na State Visit mula Agosto 4 hanggang 8. Isinangguni rito ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na pamumunuan ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13

Ipinunto ng DA na ang pandaigdigang oversupply ng bigas, ang pagbawi ng export ban ng India, at ang mataas na lokal na produksyon ng palay ay nagtulak sa pagbaba ng presyo ng palay sa merkado. May mga ulat na bumaba na sa PhP8 hanggang PhP10 kada kilo ang buying price ng ilang traders, na mas mababa kaysa sa production cost na PhP12–PhP14 kada kilo.

Iminungkahi rin ng DA ang posibilidad ng pagtataas ng taripa sa imported na bigas mula sa kasalukuyang 15% patungong 35%. Gayunpaman, ayon kay Secretary Gomez, hindi pa ito prayoridad ng Pangulo sa ngayon.

Samantala, nilinaw ng Malacañang na may legal na kapangyarihan ang Pangulo na magtakda o magbago ng taripa sa mga inaangkat na produkto, gaya ng bigas, lalo na sa panahon ng krisis.

Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mahalaga ang flexibility ng Pangulo upang makapagsagawa agad ng mga hakbang na naaayon sa kasalukuyang sitwasyon.