Maraming rising indie artist ang naglalakbay patungo sa kanilang pangarap na maipahayag ang kanilang musika sa mundo. Narito ang top 5 indie artist na dapat ninyong suportahan, mga ka-DWAN!
1. IZEN
Si IZEN ay isang baguhang indie artist na nagpasimula ng kanyang musika dahil sa kanyang crush—sana all! Maging ang mga taong laging handang sumuporta sakaniyang musika gaya na lamang ng kaniyang pamilya. Ang kanyang dedikasyon sa kanilang church ay isa ring malaking dahilan kung bakit lumago ang kanyang talento sa pagkanta. Kahit wala siyang sariling instrumento, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang kanyang kakayahan. Sa September 30, 2024, ilalabas na niya ang kanyang kantang “Pang Habambuhay,” na unang ipinarinig sa DWAN 1206 AM at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga tagapakinig.
2. IVAN
Bata pa lang si IVAN, nag-aaral na siyang tumugtog ng gitara. Sa kanyang pagkahilig sa musika ng One Direction at pagiging fan ni Lany, ito ang naging inspirasyon para makabuo siya ng sariling mga kanta. Ngunit heto ang twist: ang isa sa kanyang sumikat na kanta, “FRIDAY,” ay nabuo mula sa kanyang karanasan sa isang ex—oh no, ang sakit! Available ito sa lahat ng streaming platforms.
3. JEPP ft. BISCOTTI
Ang tambalang Jepp at Biscotti ay may kakaibang swag na tiyak na magugustuhan ng mga tagapakinig. Ang kanilang kantang “Midnight Whiskey” ay siguradong magdadala sa inyo ng iba’t ibang memories! Si Jepp, mula pagkabata, ay sumali na sa mga singing competitions, at unti-unti ay nakilala siya sa kanyang sariling mga kanta. Si Biscotti naman, sa unang pagdinig mo palang, tiyak na mapapa-wow ka sa kanyang rapping skills. Ang “Midnight Whiskey” ay available na rin sa lahat ng streaming platforms.
4. ODE TO MARS
Sabi nga nila, mas masaya kung may kasama. Ang duo indie artist na ito ay tiyak na dadalhin kayo sa alapaap ng musika. Nagkakilala sila noong bata pa, kahit na magkaiba ang kanilang paaralan ngayong college ay sabi nga kung tadhana na kayo ay magkasama, tiyak na magkikita kayo. Ang kanilang pinakabagong single na “O’ Kay Ganda” ay mayroon nang 8,975 streams sa kanilang Spotify account.
5. JDRX
Mga ka-DWAN, siguradong hindi ka titigil sa kaka-repeat ng mga kanta ni JDRX! Mula pagkabata, mahilig na siyang kumanta, at sa panahon ng pandemya, ginamit niya ang pagkakataong ito upang makapag-release ng kanyang mga kanta. Ang kanyang single na “Speed Dial #9” ay mayroon nang 5,728 streams sa Spotify.
Sa pag-usbong ng mga indie artist, makikita natin ang pagdami ng mga boses na may kanya-kanyang kwento at istilo. Ang kanilang dedikasyon at pagsisikap ay tunay na nakakamangha, at tiyak na sila ang mga hinaharap ng industriya ng musika. Suportahan natin ang mga artist na ito, dahil sa kanilang mga kanta, naririnig natin ang tunay na damdamin at kwento ng buhay. Patuloy lang sa paglikha, mga ka-DWAN!
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13