IBCTV13
www.ibctv13.com

SAY THE NAME, SEVENTEEN!

BY. CARMELLIE OCAMPO
Ang KPOP group na SEVENTEEN ay isa sa mga pinakasikat at hinahangaan na boy group sa kasalukuyan. Mula nang sila’y nag-debut noong 2015, mabilis nilang naabot ang kanilang tagumpay at patuloy na nagiging inspirasyon hindi lamang sa kanilang mga tagahanga kung hindi pati na rin sa industrisya ng musika.
Via Pinterest of ogscaredcat
Sa ilalim ng Pledis Entertainment, ang kanilang debut album na “17 Carat” ay agad na naging hit, na sinundan ng sunud-sunod na matagumpay na album at kanta tulad ng “Mansae,” “Pretty U,” “Don’t Wanna Cry,” “Aju Nice” at marami pang iba.
Isa sa mga natatanging aspeto ng SEVENTEEN ay ang kanilang hands-on approach sa kanilang musika at choreography, dahil nakikita sa kanila ang dedikasyon sa kanilang ginagawa. Ang grupo ay nahahati sa tatlong units: Vocal, Hip-Hop, at Performance, Karamihan sa kanilang mga kanta ay isinulat at in-arrange ng kanilang mga miyembro, lalo na ni Woozi na kanilang music producer sa kanilang mga kanta, habang si Hoshi naman ay kilala sa paggawa ng kanilang mga kahanga-hangang choreography.
Sa paglipas ng mga taon, patuloy na lumalaki ang kanilang global fanbase, na tinatawag na Carats. Nitong mga nakaraang buwan lamang, nagpakitang-gilas ang SEVENTEEN sa Glastonbury Festival, isa sa mga pinaka-prestihiyosong music festivals sa mundo kung saan sila ang kauna-unahang nag-perform na KPOP group. Ang kanilang pagtatanghal doon ay hindi lamang nagpamalas ng kanilang husay kundi pati na rin ng kanilang kakayahang makipagsabayan sa mga international artists. Bukod dito, kagagaling lang din nila sa Caratland, isang special na fan event kung saan nakisalamuha sila sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng mga performances, games, at iba pang activities. Ang Caratland ay isa sa mga pinakahihintay na events ng Carats, dahil ito’y nagbibigay ng kakaibang oportunidad na makita at makasalamuha ang kanilang iniidolo. Dito na rin nila inanunsyo ang kanilang ‘World Tour’ na magsisimula sa Oktubre.
Sa kanilang nalalapit na world tour, inaasahan ng mga fans ang mas marami pang all-out performances mula sa SEVENTEEN. Ang kanilang patuloy na pagsisikap at pagmamahal sa kanilang trabaho ay nagsisiguradong mas marami pang milestone ang kanilang maaabot sa mga susunod na taon.
Ang SEVENTEEN ay hindi lamang grupo ng mga performers kundi isang pamilya na nagbibigay inspirasyon sa maraming tao sa pamamagitan ng kanilang musika, talento, at dedikasyon.
Via The Daebak Company
“Slipping into the Diamond Life” isa ito sa kilalang linya sa loob ng fanbase ng Seventeen. Maraming nagsasabi na pinakamagandang desisyon sa buhay nila ay ang maging ‘fan’ nila. Isang sikat din na kasabihan sa fandom ay “You didn’t stan SVT too late, you just found them at the time you needed them.”
Ang SEVENTEEN ay higit pa sa isang grupo ng K-pop; sila ay malaking bahagi ng buhay ng isang fan, sila ay nagbibigay ng saya, at nagbigay ng lakas sa tuwing nalulungkot ang isang tao. Sila ang nagsisilbing tahanan ng mga taong naliligaw ng landas. Sila ang nagbibigay ilaw sa madilim na mundo. Sinasalamin nito ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng mga idolo—hindi lamang sila para sa musika kundi bilang kasama sa mga pinakamasalimuot na sandali ng ating buhay.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13