IBCTV13
www.ibctv13.com

Signs na Tumatanda Ka Na, Gen Z!

"Ay, hindi na masyadong matamis..."
By: Samantha Lorraine Ramirez

Akala natin malayo pa bago dumating ang araw na mararamdaman natin ang “adulting pains.” Pero bilang Gen Z na araw-araw naghahabol ng work, side hustles, at social life, dumarating na yung mga moments na mapapaisip ka: “hala, tumatanda na yata ako.” Here are the clear (and sometimes funny) signs:

  • Nag-eenjoy ka mag-shopping ng appliances o mag-grocery

Kung dati, all-out ka mag-ipon para sa concert ticket o bagong sapatos, ngayon bigla kang natutuwa kapag nakakita ng murang rice cooker o bagong frying pan. Exciting na rin ang weekly grocery run kasi parang may sense of achievement kapag kompleto lahat ng items sa list mo. At aminin mo, may thrill kapag nakakita ng promo packs at discounts. Kaya kapag may pa-raffle sa grocery? Palag lagi!

  • Sumasakit na ang likod o tuhod

Kahit Gen Z ka pa, ramdam mo na agad yung epekto ng puyat, trabaho, at kakaupo buong araw. Hindi ka na immune sa “aray” moments lalo na sa likod at tuhod, kahit hindi ka pa naglalaro ng basketball. Minsan naiisip mo pa nga na mas active pa yung mga millennial titas at titos na consistent sa Zumba tuwing weekend. Lesson learned: wag pabayaan ang katawan kahit feeling bata pa.

  • Naiinis sa mga maiingay

Gone are the days na ikaw yung pinakamalakas tumawa o sumigaw sa public. Ngayon, pet peeve mo na yung mga tao na sobrang lakas ng boses lalo na sa jeep, café, o bus. Mas gusto mo na ng peaceful environment kasi mas mabilis kang ma-drain kapag maingay. At honestly, naiisip mo rin: “ano ‘to, di ba sila pinapansin sa bahay?”

  • Wine enjoyer na, hindi na beer enjoyer

Kung noong college ay sanay ka sa inuman na beer buckets ang bida, ngayon mas gusto mo na ang chill wine nights. Napapansin mo na rin na mas bagay sa vibe mo yung relaxing na usapan kaysa sa sobrang ingay ng inuman. Kaya kapag may tanong kung anong drinks, sagot mo agad: “wala bang wine?”

  • Dessert critic at sugar-conscious na

Noon, kahit extra caramel pa sa milk tea, go lang. Ngayon, kapag inabutan ka ng matamis na dessert, automatic na ang linya: “ay, hindi masyadong matamis.” Mas nagiging mapili ka na rin sa pagkain na sobrang oily o fatty kasi ramdam agad sa katawan. Kapag milk tea o juice, sugar level 20% na lang kasi ayaw mo ng sugar crash. Good sign naman ito kasi ibig sabihin, mas nagiging health-conscious ka na.

  • Nanood ka na ng balita at nag-eenjoy na making sa hearings

Kung dati, wala kang pake kung ano ang nangyayari sa gobyerno o sa mundo, ngayon automatic na nakatutok ka na sa news. Mas gusto mo na ring updated para hindi maiwan sa mga usapan, at siyempre, para maging responsible citizen. Nakakatuwa na rin minsan tuwing nakikita nating nasasabon yung mga dasurv masabon! Ilabas na rin ang mga memes at  fancam sa mga kay gwapo at gwapang mga public servants natin. Pero kahit nami-miss mo yung carefree days, at least mas maalam ka na ngayon.

  • Ang wishlist sa pasko ay underwear o medyas

Nung bata ka, ang saya kapag gadgets o laruan ang regalo. Pero ngayong Gen Z adult ka na, ibang level ng tuwa kapag may nagbigay ng medyas o underwear sa Pasko. Practical at laging nagagamit. Mas masaya ka na rin ngayon sa handaan at Noche Buena kaysa mismong gifts. Kasi habang tumatanda, mas valuable na yung comfort, family bonding, at full stomach kaysa material na bagay.

Kung naka-relate ka sa ilan dito, congratulations—tumatanda ka na (pero in a good way). Hindi masama, kasi kasama sa growth yung appreciation for practicality, health, at peace of mind. After all, masarap din palang maging Gen Z na may tito/tita energy. 😉

Follow us on:

New Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13