IBCTV13
www.ibctv13.com

TAROT LANG!: AUGUST READING

By: Samantha Ramirez
Hi bestie! Narito na ang reading natin for August.
Aries: (Mar 21 – Apr 19)
  • Love: Wag ka makipagtalo sa partner mo, gusto lang magpalambing niyan.
  • Career: Ingat sa mga nagpapautang sayo, baka di ka na bayaran niyan!
  • Finances: Mayroong malaking kapalit lahat ng hardwork mo, don’t give up lang!
Taurus: (Apr 20 – May 20)
  • Love: Si Princess treatment naman! August is your month para maging comfortable sa iyong feminine energy. Kaya magpa-bebe ka lang diyan.
  • Career: Sinong kaaway mo sa work ha… Gawin mo itong motivation para mapakita mo sakaniya kung sino ka!
  • Finances: Mag-ingat sa mga impulsive purchases or investments, baka madaling masira yan. Kung masira man, habulin na ang warranty!
Gemini: (May 21 – Jun 20)
  • Love: KUMUSTA KAYO MGA GEMINI!? Sana okay pa kayo… take this time to reflect on your current relationship. Alalahanin na kapag pagod ka na o pakiramdam mo nauubos ka na, I think it’s time to let it go na.
  • Career: Gusto mo na umalis sa current work mo no’? Kalma, take this opportunity to build your resume. (Alis ka na kapag na-achieve mo na ang timeline mo, eme!)
  • Finances: Naka ilang dasal ka na tungkol sa pera? Chill ka lang! Dahil masasagot lahat ng yan this month. (Sagot lang, di ko lang sure if mababayaran ka ng sapat)
Cancer:  (Jun 21 – Jul 22)
  • Love: Away na naman?! Lahat naman ng couples nag-aaway, always remember to look back sa inyong relationship in a positive light.
  • Career: Huwag ka nang tatamad-tamad! Dami mong luho pero napakatamad mo! Gawin mong inspirasyon mga luho mo kaya MAG TRABAHO KA!
  • Finances: Ingat sa mga magnanakaw ng pera o magnanakaw ng energy, beware of your friends… baka enemy mo na pala yan behind your back.
Leo:  (Jul 23 – Aug 22)
  • Love: Nararamdaman mo bang nasasayang lang lahat ng efforts mo? Communication is key! Sabihin mo lahat ng yan sa partner mo dahil maayos pa yan.
  • Career: Napilitan kang umalis kahit ayaw mo no’? mahirap mag decide pero sometimes destiny has a funny way of leading us sa right path natin
  • Finances: Hindi porket mabait ka, yan na ang magpapakain sa pamilya mo. Matutong mag let go sa old ways na alam mong hindi gumagana.
Virgo:  (Aug 23 – Sep 22)
  • Love: Si independent girl naman… Take this time to reconnect with yourself!
  • Career: Kailangan mo nang umalis sa comfort zone mo dahil kailangan mo ng re-direction sa iyong career kung saan mas worth it ang payback sa hardwork mo.
  • Finances: Plan where you put your money wisely, perfect opportunity na for you na mag lead ng isang business opportunity na matagal mo nang gustong gawin or i-pursue ang passion mo.
Libra:  (Sep 23 – Oct 22)
  • Love: Gusto mo na magpakasal no’? Or to move your relationship sa next level? Go! August is the month for you, bestie.
  • Career: Parang may two options kang pagpipilian…whether it’s another work or career o kaya if you must stay or go na. Know that mayroong mag-eend this month pero magiging malaking weight off your shoulders ito.
  • Finances: Maging ready sa isang opportunity na darating sa iyo na maaaring mag-reveal ng doors para yumaman ka!
Scorpio:  (Oct 23 – Nov 21)
  • Love: Itigil mo na yang pagiging independent mo! Your manifestations are coming true this August at tanggapin mo lang ng buong buo.
  • Career: Pagod yarn? I-prioritize ang health at matutong magpahinga huy! Matutong mag ask ng help sa iyong co-workers. You are not alone, Scorpio!
  • Finances: Dami mo naming luho! Pero I feel na ma-aafford mo sila this month kaya go lang ng go! Deserve mo yan.
Sagittarius:  (Nov 22 – Dec 21)
  • Love: Ingat ka huy! Baka makipag away si bebe, remember that kahit anong problema ay kayang iresolba basta with proper communication at sharing ng true feelings. Maging honest!
  • Career: You career is something that you’ve been manifesting for a long time kahit na minsan nararamdaman mo na ginagamit ka lang kasi magaling ka sa ginagawa mo. Pero this is not stopping you from building your career kaya you go, girl!
  • Finances: Spend thoroughly lang para hindi maubusan hanggang sa susunod na cut-off. Pero get ready for an unexpected opportunity na maaaring pagkakitaan mo this month!
Capricorn:  (Dec 22 – Jan 19)
  • Love: You will feel like you’re giving it your all too much… magtira para sa sarili ha!
  • Career: Wag makikipag away sa boss ha! Baka makaramdam ng pressure pagdating sa trabaho pero know that for the meantime lang yan, friend!
  • Finances: Naks, yayamanin! Maging thankful sa blessing na dumarating para mas mag-manifest ang iyong desires when it comes to money.
Aquarius:  (Jan 20 – Feb 18)
  • Love: Baka may magparamdam na ex! Maghintay lang, huwag kang magpa-dalos dalos. Huwag mo munang pabalikin, it’s not the right time pa.
  • Career: Iwasan mag-overthink dahil baka maapektuhan ang work mo! Maghanap ng happy distractions para hindi mo maramdaman ang pressure sa trabaho. Si working girl naman kasi masyadong seryoso!
  • Finances: Baka bumulaga ang bills to pay! Pero you have what it takes to pay for them naman kaya don’t worry, money will always come back.
Pisces: (Feb 19 – Mar 20)
  • Love: Don’t forget about your friends! Wag puro jowa ang inaatupag! Make time na mag reconnect with your friends kaya naman i-set niyo na yang gala niyo!
  • Career: There will be a lot of wins for you sa iyong career pero mangyayari lamang ito once you take that risk! Kaya take that risk na this August!
  • Finances: Dami mong ipon ha, pahingi naman uy… Magaling ka mag-ipon pero wag mo lang i-stay lang diyan! Set plans kung saan mo ilalagay ang pera mo para mas dumami pa yan.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13