IBCTV13
www.ibctv13.com

THE GRAND BINIVERSE!

By: Alyianna Rei Dantis
“Lagi nang umaawit, umaawit mula kusina hanggang sa sala!”
Hindi na lamang sa sala kakanta kundi maging sa Araneta Coliseum na rin! Niyanig ng BINI ang New Frontier Theater matapos nilang sabihin ang kanilang nalalapit na #GrandBINIverse sa huling araw ng 3-Day First Solo Concert.
Via Instagram of @bini_ph
“The #GrandBINIverse in Araneta Coliseum will be moved to November 16 and 17, 2024! Two eyyy-pic dates for our grand gathering with our best girls!”
Inaabangan ito ng karamihan lalo’t higit ang mga fans na hindi nakaabot sa 3-day First solo concert ng BINI. Tinuturing kasi ng kanilang fans bilang inspirasyon ang Nation’s girl group dahil sa mga kanta nilang may magandang mensahe.
Via Instagram of @rvsbntln
“First time ko maging fan ng ppop diko maexplain ang aking nadarama iba yung inspiration na binibigay ng Bini and syempre as a bloom may core memory ako sa kanila bago ko pumuntang japan sobrang lapit neto guys kahit asa gilid kami nginig malala 🥺🫢 #BINI @BINI_ph sarap sa heart”
Sa ngayon ay wala pang announcement sa bentahan ng tickets, kaya naman nakaabang na ang blooms.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13