IBCTV13
www.ibctv13.com

TOP 5 ECO-FRIENDLY DESTINATIONS SA PILIPINAS

By: Alyianna Dantis
Ang Pilipinas ay isang paraiso ng natural na kagandahan at biodiversity. Sa dami ng mga isla at kakaibang tanawin, marami sa atin ang naghahanap ng eco-friendly travel destinations na magbibigay-daan upang ma-enjoy natin ang kalikasan habang pinangangalagaan ito. Narito ang limang top eco-friendly travel destinations sa Pilipinas na dapat mong bisitahin:
1. Siquijor
Kilala ang Siquijor sa mga white sand beaches, malinis na tubig, at mystical charm. Ang mga resort dito ay nagsusulong ng sustainable tourism practices tulad ng paggamit ng solar energy at rainwater collection. Ang Cambugahay Falls ay isang must-visit spot kung saan makikita mo ang malinis at sariwang tubig ng talon. Habang nandito ka, pwede kang magbisikleta o maglakad-lakad upang makita ang natural na ganda ng isla.
2. Batanes
Ang Batanes ay isang kakaibang destinasyon na puno ng mga rolling hills at dramatic cliffs. Kilala ito sa kanilang mga bahay na gawa sa bato na disenyong Ivatan na eco-friendly dahil gumagamit ito ng local materials. Sa Batanes, ang simpleng pamumuhay ng mga Ivatan at ang kanilang respeto sa kalikasan ang nagbibigay-inspirasyon sa sustainable tourism.
3. Palawan
Ang Palawan ay madalas na napapabilang sa mga pinakamagandang isla sa mundo. Sa El Nido, ginagamit ng maraming resort ang renewable energy at may mga programa para sa waste management at marine conservation. Sa Puerto Princesa naman, maaari mong maranasan ang Underground River, isang UNESCO World Heritage Site na pinangangalagaan ng gobyerno at ng mga lokal na komunidad. Ang paggalugad sa mga limestone cliffs at pristine beaches ay isang experience na eco-friendly and at the same time ay unforgettable.
4. Dumaguete at Apo Island
Ang Dumaguete ay hindi lang kilala sa pagiging “City of Gentle People” kundi pati na rin sa malapit na Apo Island. Ang Apo Island ay isa sa mga pinakaunang marine sanctuaries sa Pilipinas. Maaari kang mag-snorkeling at makita ang mga sea turtles at iba’t ibang marine life. Ang mga komunidad dito ay nagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng kanilang karagatan sa pamamagitan ng mga conservation efforts.
5. Camiguin
Ang maliit na isla ng Camiguin ay puno ng natural na attractions tulad ng hot springs, waterfalls, at beaches. Ang lokal na pamahalaan ay aktibo sa pagtataguyod ng eco-tourism sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga turista tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. Pwede mong bisitahin ang White Island at Tuasan Falls, kung saan mae-enjoy mo ang likas na yaman ng isla nang hindi nakakasira dito.
Sa pagbisita sa mga destinasyong ito, tandaan na ang pagiging responsable at may malasakit sa kalikasan ay mahalaga.
Ang simpleng mga gawain tulad ng pag-iwas sa paggamit ng plastik, pagdala ng sariling water bottle, at pagsuporta sa lokal na produkto ay makakatulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng ating mga isla.
Sa ganitong paraan, makakaasa tayong bawat gising natin sa umaga, may blessing mula sa kalikasan na magbibigay-inspirasyon at lakas sa atin.

Follow us on:

Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13