Malaki ang ambag ng social media lalo’t higit sa mga taong ito ang platform kung paano sila mabubuhay sa araw-araw. Halimbawa na lamang ay ang livestreaming, online selling o kaya ay ang content creation.
Ngunit para sa iba, ang social media ay nagiging sanhi ng kanilang anxiety at hindi pagiging productive sa araw-araw. At karamihan rin sakanila ay pinipili na lamang mag-social medfia detox.
“Ang digital detox ay ang hindi paghawak ng gadget o hindi pag-o-online sa isang partikular na oras at panahon. Pwede mo ring gawin ang paglalagay ng status na ‘offline’ sa mga app at serbisyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng transaksyon sa ibang tao.”
Kaya naman narito ang limang benefits ng social media detox!
1. Improved Mental Health
Ang social media detox ay malaking tulong para mabawasan ang anxiety, depression, at stress. Kapag lagi exposed sa curated images at posts, madalas nagkakaroon ng self-comparison at feeling of inadequacy. Mas makakapag-focus ka sa sarili mong buhay nang walang pressure ng social comparison.
2. Enhanced Productivity
Malaking distraction ang social media, lalo na kapag nagtatrabaho, nag-aaral, o may personal projects. Kapag tumigil muna sa social media, mapansin mo na mas marami kang oras at mental clarity para mag-focus sa mga tasks, kaya’t tumataas ang efficiency at productivity.
3. Better Sleep Quality
Ang exposure sa screens, lalo na bago matulog, ay nakakaapekto sa sleep patterns dahil sa blue light na galing sa devices at ang stimulation mula sa content. Ang social media detox ay makakatulong para magkaroon ng healthier sleep routines at mapabuti ang overall sleep quality.
4. Strengthened Personal Relationships
Ang mga in-person interactions at quality time kasama ang mga mahal sa buhay ay madalas na nagiging compromised dahil sa constant social media use. Kapag nag-detox ka, magkakaroon ka ng mas maraming meaningful face-to-face connections, na nagpapalalim ng relationships at nagpapabuti ng communication skills.
5. Increased Mindfulness and Presence
Ang social media ay kadalasang nagdudulot ng multitasking at divided attention. Ang detox ay tumutulong sa’yo na maging mas mindful at present sa araw-araw na activities, na nagpapaganda ng ability mo na mag-savor ng moments at makipag-engage nang buo sa paligid mo.
Follow us on:
Facebook: DWAN 1206 AM
YouTube: @dwan.1206am
TikTok: @dwan1206am
Twitter: @dwan1206am_
Instagram: @dwan1206am
Digital TV: Channel 13