IBCTV13
www.ibctv13.com

Kauna-unahang synchronous class, isinagawa ng PUP OUS sa PDLs ng Manila City Jail

Divine Paguntalan
211
Views

[post_view_count]

First batch of Persons Deprived of Liberty (PDLs) from Manila City Jail during the conduct of first-ever synchronous class of the Polytechnic University of the Philippines Open University System (PUP OUS) on September 18, 2024. (Photo by PUP OUS)

Isang makasaysayang inisyatiba ang ginawa ng Polytechnic University of the Philippines Open University System (PUP OUS) matapos umarangkada ang kanilang kauna-unahang synchronous class para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula Manila City Jail – Male Dormitory ngayong araw, Setyembre 18.

Nasa 72 PDLs ang nakiisa sa nasabing session sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management program.

Dito ipinakita ng pamantasan ang buong pusong hangarin na makapagbigay ng kalidad na edukasyon para sa lahat, lalo na sa mga kabilang sa laylayan ng lipunan.

Ayon sa post ng official page ng PUP OUS, simula pa lamang ang hakbang na ito para makapagbigay ng mas inklusibo at pantay-pantay na karapatan pagdating sa edukasyon.

“This pioneering endeavor is a testament to the transformative power of education and its ability to break down barriers. By extending its reach to the Manila City Jail, PUP OUS is paving the way for a more inclusive and equitable education system in the Philippines,” saad sa post ng PUP OUS.

Kapansin-pansin naman ang kasiyahan at determinasyon ng PDL students para sa bagong oportunidad na ipinagkaloob para sa kanila.

“The initiative equips them with valuable knowledge and skills, instills hope, and empowers them to envision a brighter future beyond their current circumstances,” dagdag pa ng paaralan.

Tuloy-tuloy lang ang pagkakaroon ng synchronous session para sa unang batch ng PDLs upang mabigyan ng pag-asa na matupad pa ang kanilang mga pangarap sa buhay at maipagpatuloy sa oras na makalaya. – VC

Related Articles

Feature

Divine Paguntalan

145
Views

Feature

Ivy Padilla

766
Views

Feature

Alyssa Luciano

284
Views