IBCTV13
www.ibctv13.com

19 babaeng PDLs ng QC Jail Female Dormitory, degree holder na

Divine Paguntalan
171
Views

[post_view_count]

19 female persons deprived of liberty (PDLs) from Quezon City Jail Female Dormitory have graduated Bachelor of Science in Entrepreneurship through ALS program. (Photo by DOJ)

Sa wakas, naabot na ng 19 babaeng persons deprived of liberty (PDLs) ang pangarap na edukasyon sa kabila ng hadlang na rehas sa Quezon City Jail Female Dormitory.

Pinangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagtatapos sa kolehiyo ng mga PDL nitong Setyembre 28.

Sa mensahe ni DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez bilang guest of honor at speaker ng event, binigyang-diin niya ang kahalagahan na ipagdiwang ang PDL graduates dahil hindi lamang edukasyon ang highlight.

Bida rin sa kanilang pagtatapos ang ‘hope and empowerment’ pagdating sa mga kababaihan na nangangarap ng magandang kinabukasan.

“This moment is not merely the culmination of your hard work and perseverance; it represents a pivotal transformation in your lives, a chance to rewrite your narratives and embrace new possibilities,” mensahe ni Usec. Gutierrez.

“Bilang mga kababaihan, kayo ay sumasalamin sa diwa ng determinasyon at pag-asa. Ang inyong paglalakbay ay nagpapaalala sa ating lahat na bawat isa, anuman ang nakaraan o kasarian, ay may karapatang bumangon, magbago, umunlad at magsimulang muli,” dagdag niya.

Nagtapos ang babaeng PDLs ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa ilalim ng Alternative Learning System program, sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Quezon City University (QCU).

Hinimok ni Gutierrez ang PDL graduates na gamitin ang pagkakataon upang mas maging maayos ang kanilang buhay at maging huwaran sa komunidad.

“Today, you are not just graduates; you are role models, trailblazers, and advocates for change. Nawa’y ang inyong mga kwento ay magsilbing inspirasyon sa iba upang maniwala sa kanilang halaga at potensyal, at nawa’y palagi kayong tumayo para sa karapatan at dignidad ng lahat ng kababaihan,” ani Gutierrez.

Sa huli, nagpasalamat siya sa QC LGU sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte para sa dedikasyon na maisakatuparan ang rehabilitation at reintegration ng PDLs sa lungsod. – VC

Related Articles

Feature

Alyssa Luciano

113
Views

Feature

Alyssa Luciano

124
Views