IBCTV13
www.ibctv13.com

Ang paghahanda ng Pilipinas para sa ‘The Big One’

Hecyl Brojan
159
Views

[post_view_count]

QUAKE DRILL. With their hard hats on, grade schoolers from the Baclaran Elementary School are accompanied by their teachers in rushing out of their classrooms during an earthquake drill in Parañaque City on Friday (March 24, 2023). (PNA photos by Yancy Lim)

Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), ang isang lindol na may lakas na magnitude 7.2 mula sa West Valley Fault ay maaaring magdulot ng pagguho ng hindi bababa sa 168,000 gusali at pagkamatay ng mahigit 33,000 katao sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Ang West Valley Fault ay isang aktibong fault line na may habang humigit-kumulang 100 kilometro at bumabagtas sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite, pati na sa mga lungsod ng Quezon, Pasig, Marikina, Taguig, at Muntinlupa.

Kamakailan lamang, isang malakas na lindol na may lakas na magnitude 7.7 ang yumanig sa central Myanmar noong Biyernes, Marso 28. 

Naramdaman din ang pagyanig sa Bangkok, Thailand, na nagresulta ng pagguho ng isang ginagawang 30-palapag na gusali.

Sa pinakahuling ulat ng Anadolu Agency, mahigit 2,700 katao na ang kumpirmadong nasawi sa Myanmar, habang 20 ang naiulat sa Thailand.

Dahil sa potensyal na pinsala mula sa pinangangambahang “The Big One”, puspusan ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan upang mapababa ang epekto nito sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isinasagawa ang taunang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) upang sanayin ang mga mamamayan at mapaghandaan ang posibleng pagtama ng malakas na lindol.

Kabilang sa nakikiisa sa NSED ang mga paaralan. 

Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga paaralan na maagang ituro sa mga estudyante ang mga hakbang sa ilalim ng NSED tulad ng “duck, cover and hold” upang matiyak ang kanilang sapat na kaalaman at kasanayan sa pagharap sa posibleng malakas na lindol.

Project NOAH

Bagaman unang inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) noong 2012, kasalukuyan itong hawak ng University of the Philippines.

Bilang tugon sa mga pagbaha, ang Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) ay pinalawak upang isama ang mga impormasyon tungkol sa lindol at iba pang panganib.

Ito ay nagbibigay ng real-time data at hazard maps na ginagamit ng mga lokal na pamahalaan para sa mas epektibong pagpaplano at paghahanda.

Sa pamamagitan ng pag-access dito, may kakayahan na ang mga simpleng mamamayan na matukoy ang pagbaha sa mga kalapit na lugar.

Maari itong ma-access sa kanilang website: https://noah.up.edu.ph/ 

Building codes and zoning regulations 

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), patuloy na sinusuri ang integridad ng mga pampublikong gusali at imprastraktura.

Noong 2023, nagdagdag ang ahensya ng 120 bagong kagamitan bilang bahagi ng Philippine Seismic Risk Reduction and Resilience Project (PSRRRP) na pinondohan ng World Bank upang mapabuti ang kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna dulot ng lindol.

Ang mga Local Government Unit (LGU) ay pinalalakas ang building codes at zoning regulations bilang bahagi ng preventive measures upang tiyakin na ang mga bagong istruktura ay kayang harapin ang malakas na lindol at mabawasan ang pinsala nito.

The Department of Public Works and Highways (DPWH) announced that it has acquired some 120 equipment as part of the efforts to boost its emergency preparedness program. (Photos from DPWH)

Emergency response teams

Batay sa Office of Civil Defense (OCD), ang mga lokal na pamahalaan ay bumubuo ng mga Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) teams na sinanay upang mabilis na tumugon sa oras ng sakuna.

Sa pamamagitan ng mga pagsasanay at symposium, tinatalakay ang iba’t ibang senaryo ng lindol at ang mga hakbang na dapat gawin ng bawat sektor upang mapabuti ang kahandaan.

LGU La Trinidad employees and officials take part in the 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), March 13, spearheaded by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) through the Office of Civil Defense (OCD).

Public awareness campaigns

Upang palakasin ang kahandaan ng publiko sa lindol, patuloy na inilulunsad ng PhiVolcs ang iba’t ibang kampanya na nagsusulong ng kamalayan patungkol sa lindol at iba pang sakuna sa pamamagitan ng social media at iba’t ibang aktibidad.

DOST-PHIVOLCS conducted training on communicating volcano, earthquake, and tsunami hazards for Education Program Supervisors for Science, and conducted seminars in partnership with the Tokyo Institute of Technology. (Photos from DOST)

Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs)

Alinsunod sa Republic Act 10121, ang mga lokal na pamahalaan ay nagtatatag ng kanilang sariling Local Disaster Risk Reduction and Management Plans.

Ang mga planong ito ay may apat na aspeto: disaster preparedness, response, prevention and mitigation, at rehabilitation and recovery.

Adaptation of Go-Bag 

Sa Pilipinas, isinulong ng Philippine Red Cross at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paggamit ng go-bag bilang bahagi ng disaster preparedness.

Ang go-bag ay aglalaman ng mahahalagang gamit upang matulungan ang mga pamilya sa unang 72 oras ng sakuna.

Ang kampanyang ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang gawing mas handa ang bawat Pilipino sa mga kalamidad.

Narito ang mga dapat nilalaman ng Go-bag:

  • Hygiene Kit – Sabon, toothpaste, toothbrush, at iba pa.
  • COVID-19 Safety Kit – Face mask, alcohol, at panangga laban sa sakit.
  • Damit – Extra na kasuotan para sa pagpapalit.
  • Pagkain at Tubig – Ready-to-eat na pagkain at sapat na inuming tubig.
  • First Aid Kit at Gamot – Pangunang lunas at gamot para sa karaniwang sakit.
  • Emergency Tools – Flashlight, baterya, power bank, pito, kandila, posporo, at radyo.
  • Mahalagang Dokumento at Cash – IDs, birth certificate, at pera.

Karagdagang paalala para sa may mga go-bag:

  • Regular na suriin ang nilalaman – Palitan ang expired na pagkain, tubig, at gamot.
  • Ilagay sa madaling abutin – Siguraduhing alam ng pamilya kung saan nakalagay.
  • Magsanay ng earthquake drills – Turuan ang pamilya kung paano gamitin ang laman ng go-bag.

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

165
Views

Feature

Hecyl Brojan

449
Views