IBCTV13
www.ibctv13.com

DOT: Higit 4M turista, bumisita sa Pilipinas ngayong taon

Michael Peronce
266
Views

[post_view_count]

La Union, one of the country’s leading beach destinations among foreign tourists. (Photo by Wander Kid Travels)

Iniulat ng Department of Tourism (DOT) na umabot na sa 4.08 milyong mga turista mula sa iba’t ibang bansa ang bumisita sa Pilipinas mula Enero hanggang Setyembre 2024.

Ito ay higit kalahati sa 7.7 milyong ‘foreign arrivals’ na target ng ahensya ngayong taon.

Kasabay nito, naitala rin ang kabuuang P362 bilyong kita ng sektor ng turismo mula Enero hanggang Agosto 2024 na 111% mas mataas kumpara sa P326 bilyong kita ng bansa sa parehong panahon noong 2019.

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, nakatulong ang pagpapakilala sa magandang reputasyon ng bansa at ang patuloy na pagbangon ng ‘tourism industry’ sa pagpapalago ng kita ng sektor.

Magpapatuloy naman ang DOT sa paghihikayat ng mas marami pang dayuhang bisita sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga bagong programa tulad ng ‘experiential tourism’, gayundin ang pagbida sa samu’t saring ‘tourism products’ ng bansa. -VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

75
Views