IBCTV13
www.ibctv13.com

Employment rate ng Pilipinas, tataas pa ngayong holiday season

Divine Paguntalan
217
Views

[post_view_count]

Vendors from Quezon City prepare their Christmas decorations ahead of the holiday season. (Photo by PNA)

Posible pang gumanda ang antas ng trabaho sa bansa ngayong nalalapit na ang holiday season ayon kay economist Michael Ricafort.

Inihayag ni Ricafort na may kinalaman ito sa seasonal na pagtaas ng demand dulot ng paparating na kapaskuhan kung saan nakikitang tataas ang mga aktibidad sa industriya ng manufacturing at retail.

“The pick up in manufacturing and other production activities in preparation for the seasonal increase in demand for the Christmas season could have improved the latest employment data,” pahayag ni Ricafort.

“The seasonal increase in hiring [will] help boost employment opportunities in preparation and during holidays especially in the services and retail sectors,” dagdag niya.

Matatandaan noong Agosto 2024, umabot sa 96% ang employment rate sa bansa mula sa 95.6% na naitala sa kaparehong buwan noong 2023 o katumbas ng 49.15 milyong Pilipino na may trabaho.

Maliban naman sa epekto ng holiday season, sinabi rin ng ekonomista na ang patuloy na pagbaba ng inflation ay magbibigay ng positibong epekto sa ekonomiya pati na rin sa mga negosyo dahil pinapalakas nito ang purchasing power ng mga tao.

Samantala, tinukoy din ni Ricafort ang hakbang ng mga central bank tulad ng Federal Reserve ng Estados Unidos at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magbaba ng interest rates na inaasahang magpapalakas sa sektor ng negosyo dahil magbibigay ito ng mas mababang gastos sa pautang, na magpapasigla sa mga bagong pamumuhunan at pagpapalawak ng maliliit na negosyo. – VC