IBCTV13
www.ibctv13.com

Hilig sa pangongolekta ng abubot, posibleng mauwi sa mental health condition – expert

Divine Paguntalan
233
Views

[post_view_count]

IBC Digital file photo

Sa unang tingin, maaaring isipin na simpleng kalat lang—lumang appliances, kahon ng mga sapatos, plastic containers o kahit mga resibo.

Ngunit sa likod ng mga tambak na gamit ay maaaring umusbong ang isang hindi pangkaraniwang kondisyon na kalauna’y lumalalim at lumalala: ang hoarding disorder.

Ayon kay Dr. Christian Jasper Nicomedes, isang clinical psychologist, ang hoarding disorder ay isang mental health condition na naglalarawan sa patuloy na pag-iimbak ng mga bagay, kahit na wala itong praktikal na halaga.

Hindi ito simpleng pagkahilig sa pag-iipon ng mga alaala—ito ay isang seryosong karamdaman na maaaring makaapekto sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng isang tao.

“It’s very different from just keeping yung mga bagay na mahalaga. Pero sa kanila [may hoarding disorder], very random yung mga kini-keep nila,” paliwanag ng psychologist.

“[Halimbawa] nakakapag-cause na ito ng significant impairment sa social, academic, or occupational aspect ng buhay nila, doon na natin pwedeng ma-diagnose na may hoarding disorder,” dagdag niya.

Hindi lang basta ugali o katamaran ang pinagmumulan ng hoarding. Isa ito sa mga karamdaman na maaaring may koneksyon sa genetics gayundin ang mental health comorbidities tulad ng anxiety o depression, at trauma.

Sentimentalism vs. Hoarding

Hindi agad masasabing hoarding ang ginagawa ng isang tao. Katunayan, maraming Pilipino ang may pagka-sentimental, mahilig magtabi ng mga lumang larawan, sulat, o gamit na may halagang emosyonal. Ngunit saan nga ba nagkakaroon ng linya ang sentimentalism sa hoarding?

“So, kapag nagki-keep ka ng mga bagay na may value sayo, that is sentimentalism pero kung very random ito and it causes harm na sayo—let’s say for example, hindi kana makakilos doon sa bahay mo dahil sa sobrang daming kalat, nagiging fire hazard din siya o kaya there are times na nagde-develop na ng mga amag, peste sa loob ng bahay, it might be considered as hoarding,” paglilinaw ni Dr. Nicomedes.

Ang magandang balita ay kaya itong masolusyunan sa pamamagitan ng konsultasyon sa psychologists o psychiatrists, at psychological testing. Kabilang sa treatment options na pwedeng makatulong ay ang paggamit ng anti-anxiety at anti-depression medications, at higit sa lahat, ang Cognitive Behavioral Therapy (CBT).

Mahalaga rin ang papel ng mga taong nakapaligid sa isang may hoarding disorder, lalo na ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at komunidad na uunawa, magsisilbing ‘constant reminder’, at tutulong sa pag-aayos at pagpapaalala sa mga bagay na karapat-dapat pang itago at itapon na.

“Tulungan natin sila to classify kung ano yung mga worth keeping and ano yung mga worth na i-discard and dapat nandoon lang din yung support natin sa kanila, as well as we encourage them to undergo psychotherapy,” dagdag ng mental health expert. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

88
Views

Feature

Hecyl Brojan

312
Views

Feature

199
Views