IBCTV13
www.ibctv13.com

IACC, muling pinabubuo ni PBBM bilang tugon sa sunud-sunod na bagyo

JM Pineda
361
Views

[post_view_count]

Meeting between different agencies for the IACC. (Photo by Jm Pineda, IBC 13)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuong muli ng Inter-agency Coordinating Cell (IACC) para sa sama-samang pwersa sa pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo pati na ang banta ng Typhoon Marce.

Pinangungunahan ito ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kasama sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonio Yulo-Loyzaga, Office of Civil Defense (OCD) Administrator Usec. Ariel Nepomuceno ang isang pulong para sa paghahanda sa pagdating ng bagyong Marce.

Ayon kay Teodoro, kabilang sa layunin nito ang maagap na pagbibigay ng tulong sa mga apektadong mamamayan kasabay ng mas mas maayos na pagpaplano ng mga ahensya sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap nila.

Dagdag pa ng kalihim, isa rin ang pag-preposition ng mga tulong sa target ng mga ahensya kayamalaking bagay din ang pagbuo muli ng IACC sa gitna ng banta ng lumalakas pang bagyong Marce.

Sa huling monitoring ng Department of Science and Technology (DOST)- Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng tamaan ang hilagang bahagi ng Luzon habang inaasahan namang magla-landfall ito sa Babuyan Islands sa darating na Huwebes, Nobyembre 7.

Malaki rin ang posibleng maging epekto nito sa mga karatig na probinsya partikular na sa Cagayan.

Inaasahan namang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi, Nobyembre 8.