IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Immediate evacuation’, panawagan sa mga Pinoy sa Lebanon

Ivy Padilla
2769
Views

[post_view_count]

Photo by VOA
Nananawagan ang Philippine Embassy sa Lebanon sa lahat ng Pilipino na lumipad na palabas ng naturang bansa habang nananatiling operasyunal ang mga airport.
Pinapayuhan naman ang mga Pinoy na hindi makakaalis na lumikas muna sa mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.
Ito ay kasunod ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.
Ayon sa Health Ministry ng Lebanon, siyam na katao na ang nasawi matapos ang Israeli airstrike sa southern Lebanon nitong Sabado, Agosto 17.
Batay sa datos, nasa 738 Filipino nationals na ang humiling ng repatriation ngunit 45 sa mga ito ang mayroon pa ring pending na dokumento sa immigration.
Sa kabuuang 11,000 Pinoy sa Lebanon, higit 300 na ang ligtas na nakauwi sa Pilipinas.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng embahada ng Pilipinas kung saan nagpakalat na ng repatriation assistance at hotline na maaaring magamit ng mga Pilipino.
Para sa repatriation assistance, sagutan lamang ang repatriation form: https://tinyurl.com/2024Repatriation
Maaari ring tumawag sa mga sumusunod:
Para sa OFWs (documented or undocumented): +961 79110729
Para sa OFs (Dependents with Permanent Resident Status, i.e., wife iqama): +961 70858086 –VC

Related Posts

National

Ivy Padilla

53
Views

National

Ivy Padilla

100
Views

National

Michael Peronce

114
Views