IBCTV13
www.ibctv13.com

LRTA, pinuna ang viral video na ‘random train date’ sa loob ng LRT-2 train

Divine Paguntalan
1322
Views

[post_view_count]

A content creator sets up a dinner table on a moving LRT-2 train. (Screengrab from @TrionKwentos/Tiktok)

Pinuna ng Light Rail Transit Authority – LRT Line 2 ang mga viral video ng TikTok user na @TrionKwentos kung saan mapapanood ang isang lalaking naglalatag ng lamesa sa loob mismo ng umaandar na tren para sa content na ‘random date’ sa katabing pasahero.

Sa isang pahayag, nilinaw ng LRTA na walang pahintulot mula sa kanilang pamunuan ang video at mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong klase ng aktibidad sa loob at labas ng pasilidad na nasasakupan ng pampublikong transportasyon.

“The Light Rail Transit Authority (LRTA) would like to clarify that the videos titled “random train date” uploaded by @TrionKwentos, were created without proper authorization or clearance from LRTA management,” pahayag ng LRTA.

“Such activities are strictly prohibited on LRTA premises and facilities,” pagbibigay-diin nito.

Maraming netizens din ang tumutol sa videos dahil nakakaistorbo anila sa mga pasahero ang ginawa ng content creator kaya’t marapat daw itong bigyan ng karampatang parusa.

Hinimok naman ng pamunuan ang mga content creator na maging responsable sa paggawa ng kanilang content sa mga pampublikong lugar upang hindi makaabala sa ibang tao.

Nanindigan ang LRTA na aaksyunan ang sinumang lalabag sa guidelines ng transportasyon lalo na kung ito nakasalalay ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

“Safety and consideration for others should always be a priority when using our Train services. The LRTA reserves the right to take appropriate action against individuals who violate safety and security guidelines,” saad ng LRTA.

Limang oras magmula nang maglabas ng pahayag ang LRTA, nagkomento naman sa kanyang post sa TikTok ang may-ari ng mga video.

“Akala ko pwede natin gawin dito ang mga pwede gawin sa ibang bansa. Gusto ko sana ipakita sa buong mundo na maganda ang mga public transportation dito sa Pilipinas na nag improve na ang mga tren,” depensa ng content creator.

Sa ngayon, hindi pa rin binubura ng TikTok user ang kanyang viral videos. – VC

Related Articles

Feature

Divine Paguntalan

126
Views

Feature

Jerson Robles

200
Views