IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga isyu sa pulitika, hindi makakaapekto sa ekonomiya – NEDA chief

Ivy Padilla
132
Views

[post_view_count]

NEDA Secretary Arsenio Balisacan (Photo by PCO)

Tiniyak ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi maaapektuhan ng kasalukuyang mga isyu sa pulitika ang positibong pananaw ng bansa sa ekonomiya.

“Business as usual for us. I don’t think that these political noises would have any impact on the economy,” saad ni Sec. Balisacan sa isang press briefing sa Malacañang ngayong Huwebes, Nobyembre 28.

Binigyang-diin ni Balisacan na mas mahalaga ang pagtiyak ng maayos na ‘economic policies’ at ‘policy directions’ ng bansa.

Sinabi pa ng NEDA secretary na iba’t ibang pagsubok na sa pulitika ang hinarap ng Pilipinas simula pa 1990s subalit nanatili itong matatag hanggang ngayon sa tulong ng maayos na mga patakaran sa ekonomiya.

Una nang siniguro ni Balisacan na tututukan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkamit sa mga target na itinakda sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) tungo sa kaunlaran ng bansa.

“In this administration, we are so focused on ensuring that the goals and targets and strategies that we have outlined in the Philippine Development Plan will be achieved. And that’s what is important for the broad public to signal that the economic momentum is sustained,” ani Balisacan. – VC