IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, personal na pinasalamatan si Malaysian PM Anwar Ibrahim

Roen Yuen
125
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos talks to Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim over the phone. (Photo by PCO)

Sa isang telephone call ay personal na pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para sa tulong na ipinaabot nito sa Pilipinas sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Ayon sa Pangulo, malaking tulong ang air support na ipinadala ng Malaysia na nagbigay-daan upang maihatid sa mga lugar na baha ang mga tulong na kinakailangan nito.

“The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who otherwise couldn’t be reached,” saad ni Pangulo Marcos Jr. sa kanyang post.

Pahayag pa niya, nakakataba ng puso na makita ang pagkakaisa ng mga bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa Pilipinas na nakikita niyang nakatutulong sa pagpapalakas pa sa rehiyon.

“In this time of mourning the lives lost, it is also heartening to see how our friends in ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) have responded with support in our time of need. This kind of solidarity is what strengthens our region,” dagdag ng Pangulo.

Bukod sa Malaysia ay nagpadala rin ng tulong tulad ng military aircraft ang iba pang Southeast Asian country kabilang ang Brunei, Indonesia, at Singapore para tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng nagdaang bagyo.