IBCTV13
www.ibctv13.com

Rehabilitasyon ng Marawi City, pinabibilisan ni Pangulong Marcos Jr.

Ivy Padilla
92
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. spearheaded the sectoral meeting with the Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) on Tuesday, October 1. (Photo by PCO)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) ang mabilis na pag-usad sa ginagawang rehabilitasyon sa Marawi City.

Sa isang sectoral meeting sa Palasyo nitong Martes, Oktubre 1, inatasan ng punong ehekutibo si OPAMR Secretary Nasser Pangandaman Sr. na tutukan at pabilisin ang pagsasaayos ng lungsod, partikular na ang pabahay at pagbabalik ng suplay ng kuryente at tubig sa lugar.

“You seem to have solutions to most of the issues. ‘Yun na lang, ‘yung installation of the power, and I think, more importantly, ‘yung tubig. We have to get that done as quickly as possible,” saad ng Pangulo.

Ipinaliwanag ni Pangandaman na tinutugunan na ng pamahalaan ang isyu sa patubig matapos maantala ang pagpapatupad ng Bulk Water Supply Project ng Local Water Utilities Administration (LWUA) dahil sa ‘legal challenges’.

Aniya, nangako ang LWUA na tatapusin ang naturang proyekto sa loob ng apat na buwan o bago matapos ang taong 2024.

Bukod dito, patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) para palawigin ang kontrata sa ilang private land owners upang ma-accommodate ang mga Marawi victim.

Related Articles

National

Divine Paguntalan

77
Views