IBCTV13
www.ibctv13.com

Temperatura sa Baguio City, posibleng bumaba hanggang 14 °C – PAGASA

Ivy Padilla
215
Views

[post_view_count]

Cold weather in Baguio City. (Photo by Baguio PIO)

Asahan ang malamig na temperatura mula 21 °C hanggang 14 °C sa Baguio City bunsod ng umiiral na Northeast Monsoon o Amihan ngayong Biyernes, Enero 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Patuloy na magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon.

Makakaapekto naman ang Shearline o salubungan ng mainit at malamig na hangin sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA at Quezon na magdudulot ng maulap na panahon at mga pag-ulan.

Asahan din ang parehong panahon sa Caraga at Davao Region dala ng patuloy na epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

As of 5:00 a.m., walang namamataang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kung saan ayon sa weather bureau ay mababa rin ang posibilidad na magkaroon ng bagyo sa loob ng susunod na limang araw.

Gayunpaman, hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

72
Views

National

Divine Paguntalan

68
Views

National

Divine Paguntalan

69
Views