
Services Administration (PAGASA) website. (Photo from PAGASA)
Isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hunyo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa ngayon, wala namang binabantayan na low pressure area (LPA) sa loob o labas ng PAR na maaaring makaapekto sa bansa sa mga susunod na araw, ayon sa 4:00 a.m. weather forecast ng ahensya.
Patuloy namang nakaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Zambales, Bataan, Palawan, at Metro Manila.
Apektado rin ng panaka-nakang ulan ang mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Occidental, Davao del Sur, at Davao Oriental dahil pa rin sa Habagat.
Samantala, inaasahan ang mga ‘localized thunderstorms’ sa buong Visayas at
Mindanao na maaaring magdala ng mga pag-ulan sa ilang lugar.
Matatandaang nitong Biyernes, Mayo 30 ay idineklara ng PAGASA ang simula ng
Habagat habang nitong Lunes, Hunyo 2 naman ay idineklara ng weather bureau ang
pag-uumpisa ng tag-ulan. – AL