IBCTV13
www.ibctv13.com

1.3% inflation rate ngayong Mayo 2025, pinakamababa sa Pilipinas mula Nobyembre 2019 – PSA

Ivy Padilla
128
Views

[post_view_count]

File Photo

Patuloy ang pagbagal ng antas ng inflation sa Pilipinas na naitala sa 1.3% para sa buwan ng Mayo 2025, pinakamababang headline inflation mula noong Nobyembre 2019 batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mabagal ito kung ikukumpara sa 1.4% inflation rate noong Abril 2025 at 3.9% noong Mayo 2024.

Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), patunay ito sa epektibong pagpapatupad ng pamahalaan sa mga hakbang para matiyak ang mas abot-kayang presyo ng mga bilihin.

“We are encouraged by this development. It reflects the success of our sustained efforts to protect the purchasing power of Filipinos and ensure a more affordable cost of living,” saad ni DEPDev Office-in-Charge and Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie G. Edillon.

Pangunahing nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation ang ‘housing, water, electricity, gas and other fuels’ na nasa 2.3% at ‘restaurant and accommodation services’ na nasa 2.0%.

Upang magtuluy-tuloy ang pagbaba ng inflation, muling pinagtibay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako nito na pangalagaan at protektahan ang purchasing power ng mga pamilyang Pilipino.

“We remain committed to executing the necessary measures to keep prices low and stable. With this, we are optimistic about the government meeting its headline inflation target of 2 to 4 percent for the year,” pangako ni Edillon.

Sa kabuuan, naitala sa 1.9% ang year-to-date average inflation sa bansa para sa buwan ng Mayo 2025. – AL