IBCTV13
www.ibctv13.com

1.4% na headline inflation, naitala sa buwan ng Hunyo 2025 – PSA

Ivy Padilla
133
Views

[post_view_count]

File Photo

Naitala sa 1.4% ang inflation rate ng Pilipinas para sa buwan ng Hunyo 2025, batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes, Hulyo 4.

Mas mabagal ito kung ikukumpara sa 3.7% inflation rate na naitala noong Hunyo 2024.

Ayon sa PSA, pangunahing nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation ang ‘food and non-alcoholic beverages’ na nasa 0.4%.

Malaki naman ang ibinagal ng food inflation sa bansa na naitala sa 0.1% mula sa 6.5% noong Hunyo 2024 at 0.7% noong Mayo 2025.

Iniuugnay ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang pagbuti ng food inlfation sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng mga bilihin, gayundin ang mapalakas pa ang agrikultura at logistics.

“The sharp decline in food inflation over the past year underscores the continued progress in our coordinated efforts to boost local production, improve logistics, and implement calibrated trade and biosecurity measures. We will sustain these interventions and complement them with targeted initiatives to ensure a continuous, stable supply and shield consumers from future price pressures,” saad ni DEPDev Sec. Arsenio M. Balisacan.

Nangako naman ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na isusulong ang mga hakbang at interbensyon upang magtuluy-tuloy ang pagbagal ng inflation rate sa bansa.

Sa kabuuan, umabot sa 1.8% ang year-to-date inflation na mas mabagal sa target ng pamahalaan na 2.0% hanggang 4.0% ngayong taon. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

127
Views

National

Ivy Padilla

221
Views