IBCTV13
www.ibctv13.com

1.9-M kahon ng FFPs, naipamahagi ng DSWD sa mga lugar na sinalanta ng bagyo

Ivy Padilla
90
Views

[post_view_count]

(Photo by DSWD)

Umabot na sa kabuuang 1,956,942 kahon ng family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government unit (LGUs) na higit naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

1,451,593 FFPs ay naibigay sa mga rehiyong sinalanta ng bagyong Kristine at Leon.

Mahigit 390,000 food packs naman ang naipaabot sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nika, Pepito, at Ofel.

Samantala, lagpas 100,000 family food packs naman ang ipinadala sa mga naapektuhan ng bagyong Marce.

Ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, patuloy pa rin ang kanilang prepositioning ng mga FFPs sa mga apektadong lugar.

“Habang nagpo-produce tayo ng food packs sa major production hubs natin in Pasay City and in Cebu ay patuloy tayong nagdi-dispatch o nagre-release ng karagdagang food packs as part of our augmentation support to LGUs,” saad ni Dumlao.

“Instruction po ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyakin po natin na adequate ang ating mga resources, particularly the stockpile,” dagdag nito.

Aabot sa P130.9-milyong ang standby funds ng ahensya habang nasa P940-milyon halaga naman ang stockpile.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahatid ng ahensya ng tulong sa mga lubos na nasalanta ng mga nagdaang bagyo kasabay ng pagtiyak sa kanilang mga pangangailangan. – AL

Related Articles