IBCTV13
www.ibctv13.com

11 Chinese warships, namataan sa Escoda Shoal – PN

Michael Peronce
200
Views

[post_view_count]

Chinese Coast Guard (CCG) vessel deployment over the West Philippine Sea (WPS) . (Photo by Jay Tarriela/PCG)

Pumalo sa 11 Chinese warship mula sa People’s Liberation Army-Navy (PLA-N) ang namataan sa bahagi ng Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS) mula Setyembre 17-23 ayon kay Philippine Navy (PN) Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Adm. Roy Vincent Trinidad.

Ito ang pinakamalaking bilang ng barkong pandigma ng China na na-monitor sa nasabing lugar na naganap higit isang linggo lamang ang nakararaan mula nang alisin Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Teresa Magbanua sa WPS matapos ang higit limang buwang pamamalagi nito sa Escoda Shoal.

Dagdag pa rito, umabot na sa 55 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa paligid ng Escoda Shoal bukod pa sa naunang PLA-N ships na namataan ng otoridad sa kaparehong panahon.

Sa kabuuan, aabot na ng 251 barko ng China na kinabibilangan ng warships, militia vessels, at coast guard ships ang naitalang bumagtas sa West Philippine Sea (WPS) mula Setyembre 17-23, na maituturing na pinakamalaking nai-record ng otoridad.

Nanindigan si Trinidad na ipagpapatuloy ng Navy at ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mandatong pagpapatrolya sa karagatan at maging sa himpapawid hindi lamang sa nasabing isla pati na rin sa kabuuan ng West Philippine Sea (WPS).

“The mere fact that the AFP, the Navy, the Air Force continue performing our mandate, we continue sailing the seas and flying the skies not only the AFP but the other government agencies. It only indicates that nobody has control of expense of that water,” giit ni RADM. Trinidad.

Sa huli, binigyang-diin ng tagapagsalita na walang ‘de facto’ control ang China sa Escoda Shoal, na pangunahing tagpuan ng mga Pilipinong barko na nagsasagwa ng ‘resupply mission’ sa Ayungin Shoal na dating kinaroroonan ng BRP Sierra Madre.

Related Articles

National

Divine Paguntalan

105
Views

National

133
Views

National

213
Views