IBCTV13
www.ibctv13.com

125 katao, nasawi dahil sa bagyong Kristine; 28 katao, napaulat na nawawala- NDRRMC

Divine Paguntalan
563
Views

[post_view_count]

Aerial view of the aftermath of Severe Tropical Storm Kristine in Camarines Sur. (Photo by OCD-5)

Pumalo na sa 125 katao ang nasawi mula sa pananalasa ng bagyong Kristine nitong nakaraang linggo, batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Oktubre 29.

Ang mga nasawi ay mula sa iba’t ibang rehiyon kabilang na ang Cordillera Administrative Region (CAR), CALABARZON, Regions I, III, V at IX.

Umabot na rin sa 28 katao ang napaulat na nawawala mula naman sa Regions I, III, V, VII at CALABARZON habang may 115 indibidwal ang nakaranas ng injury.

Samantala, patuloy naman sa paghahatid ng tulong ang mga ahensya ng pamahalaan katuwang ang local government units (LGUs) ng mga apektadong lalawigan at komunidad.

Higit P719-milyong halaga ng tulong ang naipamahagi na sa mga biktima ng bagyo ngunit nasa 121,814 kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya ay nananatili pa rin sa evacuation centers.

Bukod sa mga ayuda, nagkaloob din ng psychosocial support ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) lalo na sa mga bata upang maka-recover mula sa kanilang ‘traumatic experience’ dahil sa pananalasa ng bagyo.

Tiniyak naman ang kahandaan ng concerned agencies at LGUs para sa agarang pagresponde sa mga maaapektuhan ng Severe Tropical Storm Leon. – VC

Related Articles