IBCTV13
www.ibctv13.com

13 katao, nasawi dahil sa epekto ng bagyong Kristine – NDRRMC

Ivy Padilla
3223
Views

[post_view_count]

Coast Guard- Bicol assisted in transporting a body of an unknown individual who died during the onslaught of STS Kristine in Masbate. (Photo by Coast Guard Bicol)

Umakyat pa sa 13 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine sa bansa, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mula sa datos, 11 ang naitala sa Bicol Region habang tig-isa naman sa Central Visayas at CALABARZON.

Limang (5) indibidwal din ang napaulat na nasugatan dahil sa bagyo habang pito (7) ang kumpirmadong nawawala kabilang ang lima (5) sa Bicol at tig-isa sa CALABARZON at Ilocos Region.

Sa kabuuan, pumalo na sa 569,524 pamilya o katumbas ng 2,656,466 katao mula sa 3,483 barangays sa bansa ang apektado ng bagyong Kristine.

Kasalukuyang nanunuluyan ang 64,447 pamilya sa 5,791 na itinalagang evacuation centers habang patuloy na tinutulungan ng pamahalaan ang nasa 19,961 pamilya na piniling manatili sa labas. -VC

Related Articles