IBCTV13
www.ibctv13.com

13 probinsya sa Luzon, itinaas na sa Alert Level Charlie (Red) – DILG

Divine Paguntalan
221
Views

[post_view_count]

Critical Cyclone Track Chart of Typhoon Nika. (Photo by PAGASA)

Itinaas na ng Department of Interior and Local Government – Central Office Disaster Information Coordinating Center (DILG – CODIX) sa Alert Level Charlie (Red) ang 13 probinsya sa Luzon, as of 5:00 a.m. ngayong Lunes, Nobyembre 11.

Sa ilalim ng Alert Level Charlie, inaasahang makararanas ng malakas hanggang sa walang humpay na pag-ulan ang isang lugar na may kasamang lakas ng hangin na aabot hanggang 120 km/h.

Kabilang sa listahan ay ang mga sumusunod na probinsya:
– Ifugao
– Isabela
– Ilocos Sur
– Ilocos Norte
– Cagayan
– Kalinga
– Quirino
– Mountain Province
– Abra
– Apayao
– Aurora
– Nueva Vizcaya
– Benguet

Kaugnay nito, inatasan na rin ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang 2,500 barangay na posibleng daanan ng bagyong Nika na magsagawa na ng preemptive evacuation habang nakaantabay na rin ang food packs at response facilities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makapagbigay ng agarang tulong sa mga nasalanta.

“We have advised all the governors involved in the 2,500 barangays to be evacuated, especially those prone to floods and landslides. The DSWD has prepositioned the necessary food packs and response facilities. The five airports servicing the region have been notified to clear the vicinity immediately,” paliwanag ni Remulla sa isang press briefing.

Narito ang iba pang probinsya sa Luzon na nakataas naman sa Alert Levels Bravo (Orange) at Alpha (Yellow).

–VC