IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinasalamatan ng mga gobernador para sa P321-M ayuda sa mga naapektuhan ng Bagyong Basyang

Kristel Isidro
158
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. presided a meeting with heads of concerned government agencies and governors from areas hit by #TyphoonBasyang at Malacañang last Wednesday, February 11. (Photo courtesy of the PCO)

Anim na gobernador ang nagpaabot ng lubos na pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pagpapalabas nito ng P321 milyong ayuda para sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang Bagyong Basyang at Shear Line.

Kabilang dito sina Cebu Gov. Pamela Baricuatro, Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., Eastern Samar Gov. Ralph Vincent Evardone, Surigao del Sur Gov. Johnny Pimentel, Aklan Gov. Jose Enrique Miraflores, at Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado.

“We thank President BBM (Bongbong Marcos) for the timely help, which we are sure would ease the suffering and pain caused by the storm to our constituents,” saad ng mga gobernador sa isang joint statement.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P321 milyon para sa 34 na mga probinsya at walong lungsod na lubhang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Kasunod nito, ipinatawag niya ang mga gobernador kasama ang mga miyembro ng kanyang Gabinete noong Pebrero 11 upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa kalamidad.

Dito ay inatasan ng Pangulo si Executive Secretary Ralph Recto na pangunahan ang agarang pagproseso ng pondo matapos ang pulong.

Ayon sa mga gobernador, gagamitin ang ayuda upang suportahan ang mga pamilyang nasiraan ng bahay at kabuhayan, pamamahagi ng relief goods, at pagpapagawa ng mga nasirang kalsada, tulay, at iba pang imprastraktura.

Nangako rin silang maglalaan ng karagdagang pondo mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan upang madagdagan ang tulong mula sa pambansang pamahalaan. – IP