Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang balita sa kanya ng pamahalaan ng United Arab Emirates tungkol sa 143 overseas Filipino na ginawaran ng pardon.
Sa Facebook post ng Pangulo, ibinahagi niya na nagkausap sila ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed sa isang phone call.
“I had the privilege of speaking with President Sheikh Mohamed bin Zayed of the United Arab Emirates (UAE). I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang post.
Matatandaan noong Setyembre 1, nagsimula ang amnesty program ng UAE kung saan nasa higit 2,000 Pinoy ang nag-apply para makabalik na ng Pilipinas.
Magtatagal ang naturang programa ng bansa hanggang sa Oktubre 30.
Ipinagpasalamat din ni Pangulong Marcos Jr. kay President Zayed ang ipinadalang assistance ng UAE para sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Pilipinas.
“I extended to him my heartfelt thanks for the UAE’s humanitarian aid the wake of the recent typhoons and floods that struck the Philippines,” saad ng Pangulo.
“Our nations share strong bonds, rooted in the values and aspirations of our peoples, and I look forward to strengthening this partnership in the years ahead,” dagdag niya. —VC