Nakahanda na ang mga air asset mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa rescue at relief operations sa mga komunidad na naapektuhan ng malawakang pag-ulan at pagbaha dulot ng Severe Tropical Storm Kristine.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesman Director Edgar Posadas sa isang press briefing, may 17 air assets na nakapreposisyon ngayon sa Villamor at Cebu.
“Mayroon din po tayong 17 na air assets ‘no na naka-preposition sa Villamor, naka-preposition sa Cebu which are readily deployable weather permitting kasi we have to be sure din po that our pilots, our assets are safe,” saad ni Posadas.
Pinoproseso na rin aniya ang mga kinakailangang dokumento para sa tulong na hiniling ng Pilipinas mula sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia upang makakuha ng karagdagang air assets.
“Secretary of National Defense has already spoken to Ambassador of Singapore to the Philippines and he also mentioned Indonesia, Malaysia and Brunei. These are our ASEAN neighbors, co-members of ASEAN. So, I think, as we speak, there are certain paper works and documentations which have to be undertaken and soon when that will be done and I’m sure we will announce, if this will already be operationalized,” paliwanag niya.
Kasabay nito, tiniyak ni Posadas na patuloy ang pagdating ng tulong para sa Bicol region na labis na naapektuhan ng pagbaha. – IP