IBCTV13
www.ibctv13.com

18 kasunduan sa negosyo, naselyuhan sa pagbisita ni PBBM sa India

Ivy Padilla
113
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr., together with the Philippine delegation, attended the Philippines–India Business Forum in Bengaluru, India on August 7. (Photo by PCO)
Naging matagumpay at produktibo ang limang araw na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa India mula Agosto 4-8 matapos lagdaan ang 18 business agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Bitbit ng Pangulo ang balitang ‘strategic partners’ na ang Pilipinas-India at handang makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mas malawak na Indo-Pacific region.

“The elevation of our bilateral ties signals our mutual recognition of the complementarity and alignment of our interests, not only in bilateral matters but also in many regional and international issues of critical importance to both our countries,” saad ni Pangulong Marcos Jr. sa arrival message.

“As strategic partners, the Philippines and India enter a new era of closer, multidimensional, and impactful engagement between our countries and our peoples,” dagdag pa niya.

Kabilang ang sektor ng digital infrastructure, renewable energy, healthcare, manufacturing, at IT-BPM sa mga pamumuhunang naselyuhan sa state visit ng Pangulo na inaasahang magbibigay ng higit 4,000 trabaho sa mga Pilipino.

Binigyang-diin ng lider na naging daan ang kanyang pakikipagpulong kay Indian Prime Minister Narendra Modi at ibang matataas na opisyal sa paglagda ng mga kasunduan para sa mas marami pang kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa.

“These were on judicial matters; space, science and technology; defense and security; culture; and tourism. I am pleased to be able to say that Prime Minister Modi and I had a real meeting of the minds,” ani Pangulong Marcos Jr.

Bago bumalik sa Pilipinas, personal na kinumusta ng Pangulo ang Filipino community sa India at nagpasalamat sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya, gayundin sa mahalagang papel ng mga ito sa pagpapatugyod ng kultura ng bansa.

Ligtas na nakabalik sa Villamor Airbase sa Pasay City ang eroplanong sinakyan ng Pangulo kasama ang delegasyon ng Pilipinas bandang 8:06 p.m. nitong Biyernes, Agosto 8.