IBCTV13
www.ibctv13.com

2-3 bagyo, posibleng pumasok sa PAR sa Setyembre

Ivy Padilla
829
Views

[post_view_count]

Flood in Barangay Holy Spirit, Quezon City during the onslaught of Typhoon Carina on July 24. (Photo by Divine Paguntalan, IBC-13)

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa buwan ng Setyembre 2024.

Inaasahang tatama ang dalawang hanggang tatlong bagyo sa Oktubre at tig isa hanggang dalawa naman sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Sa kabuuan, nasa anim hanggang 10 bagyo pa ang nakikitang tatama sa bansa bago matapos ang taon.

Batay sa 4:00 a.m. forecast ng PAGASA ngayong Biyernes, Agosto 30, patuloy na binabantayan ng weather bureau ang ‘cloud cluster’ o kumpol ng mga ulap sa silangang bahagi ng bansa na posibleng maging isang low pressure area (LPA) sa mga susunod na araw.

Posible naman ang pag-ulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Metro Manila, Western Visayas, Ilocos Region, Cavite, Batangas, at Negros Occidental dahil sa hanging Habagat.

Asahan din ang bahagyang maulap na kalangitan at pulu-pulong pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa dala ng Localized Thunderstorm.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko sa posibleng banta at pagbabago sa lagay ng panahon. -VC

Related Articles