Naitala sa 2.3% ang inflation rate sa Pilipinas para sa buwan ng Oktubre ngayong taon batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, Nobyembre 5.
Mas mabagal ang inflation rate na ito kung ikukumpara sa 4.9% na naitala noong Oktubre 2023.
Pangunahing dahilan sa tala na ito ang food and non-alcoholic beverages na nakapagtala ng 2.9% na sinundan ng housing, water, electricity, gas and other fuels (2.4%), at restaurants and accommodation services (3.9%).
Pasok ang lumabas na inflation rate para sa buwan ng Oktubre 2024 sa 2.0% hanggang 2.8% na inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan.
Nananatili din ito sa target ng pamahalaan na mapanatili sa 2-4% lamang ang inflation rate sa bansa.
Sa kabuuan, naitala sa 3.3% ang national average inflation mula Enero hanggang Oktubre 2024.