IBCTV13
www.ibctv13.com

2 malaking barko ng PCG, maigting na binabantayan ang monster ship ng China sa Zambales

JM Pineda
158
Views

[post_view_count]

National Task Force – West Philippine Sea (NTF-WPS) held a press conference on January 14, 2025. (Photo by JM Pineda, IBC 13)

Patuloy ang maigting na pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa tinaguriang ‘monster ship 5901’ ng China sa Zambales.

Kabilang sa barko ng PCG na nagbabantay sa lugar ay ang BRP Teresa Magbanua at BRP Gabriela Silang.

Batay sa pinakahuling monitoring ng PCG, mas lumapit pa ang pwesto ng nasabing Chinese vessel sa coastline ng Capones Island, Zambales at halos dalawang linggo na itong paikot-ikot sa bahagi ng karagatan.

Dahil dito, nanawagan na ang National Task Force for the West Philippine Sea sa China para kusang alisin ang barko sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa NTF-WPS, ang iligal at mapanghamon na pagkilos ng Chinese Coast Guard (CCG) gaya ng tangkang regular deployment ng mga asset ay isang malinaw na pananakot sa mga mangingisda na naghahanapbuhay malapit sa Bajo de Masinloc.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng task force na patuloy nilang haharangin ang mga posibleng pagkilos ng China sa karagatang bahagi ng bansa.

Tuluy-tuloy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatrolya sa loob ng Philippine EEZ katuwang ang PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). – DP/VC

Related Articles